Palubog na ang araw ngunit wala ka pa rin.
Ang sabi mo'y hintayin kita sa lugar ng huling pagkikita natin,
at mula rito ay tatakas tayo sa katotohanang pumapagitan sa atin.
Ngunit bakit hindi ka pa rin dumarating?Pilit tayong pinaglalayo ng mga magulang mo,
dahil para sa kanila'y isang hamak na tagasunod lamang ako.
Nais ka nilang dalhin patungong ibang ibayo,
at ipakasal sa isang "karapat-dapat" na mayamang dayo.Pero diba't hindi natin ito parehong gusto?
Kaya't napagkasunduan nating magsasama na tayo...
Tayo ang aalis at tutungo sa malayo,
nang hindi na nila tayo kailanman mapaglayo.Kaya't narito ako... ngunit wala ka.
Nagbago na ba ang kasunduan nating dalawa?
Palubog na ang araw, pero hindi ko masilayan kahit anino mo sinta.
Mahal, darating ka pa ba?
BINABASA MO ANG
Through Words
PoetrySharing with you a book anthology of my English and Filipino short poems, open letters, prose and other literary works. Let me express myself through words. 🌻 Enjoy!