Mahalagang alalahanin ang nakaraan
gaano man kalala ang naging dulot nito sa kasaysayan.
Hindi dapat tuluyang talikdan at kalimutan
sapagkat ito ang salamin ng kasalukuyan.Malalim ang pinagmulan ng ngiti.
Hindi agarang pumorma ang labi;
bagkus ay naging sisidlan ito ng mga hikbi.
Dulot ng mga kaganapang masidhi,
dulot ng mga armadong kamay na sa ati'y humawi.Bunga ng mga kinaing salita,
mga isinuot na maskara sa mukha,
mga pangalang pilit kinilala,
at mga ideyang itinaklob sa kaluluwa,
ang tunay na ngiti ay unti-unti nang nawawala.Pero teka muna—
tunay nga bang nawawala
o atin lamang itong binabalewala?Marahil ang mga kamay
ay naging sanhi ng ating pagkabulag.
Na maging ang sariling ngiti ay naging patay—
hindi na natin tuluyang maaninag.
Pinipiling hindi na ito sa atin pa maaninag.
BINABASA MO ANG
Through Words
PoesíaSharing with you a book anthology of my English and Filipino short poems, open letters, prose and other literary works. Let me express myself through words. 🌻 Enjoy!