Maraming pagkakataon
na maaari tayong mahulog.
Doon, kung saan madilim;
kung saan malalim,
kung saan walang makaririnig.
Maaaring kapusin tayo ng hininga
at maubusan ng luha,
Pero pakiusap...
magpatuloy ka.
Sa ilalim ay maglagi ka sandali—
Damhin ang pagkahulog;
walang masama sa paglubog.
Maaaring manatili muna sa sulok.
Damhin ang pag-iisa,
Magpahinga...
hanggang sa handa ka na.
Gamitin ang sariling mga bato;
pagpatung-patungin ang mga ito.
Humanda sa pagbangon,
at sa pagkakataong—
muli kang mahuhulog.
Pero kahit ano pa man,
tandaan mo,
kahit kaila'y hindi ka nag-iisa.
May karamay ka.
Pakiusap...
magpatuloy ka.You are never alone. Keep going;
BINABASA MO ANG
Through Words
PoetrySharing with you a book anthology of my English and Filipino short poems, open letters, prose and other literary works. Let me express myself through words. 🌻 Enjoy!