Abo

4 0 0
                                    

Kung gaano kahirap ang masaktan,
hindi ko naman alam
na ganoon din pala
kapag wala nang maramdaman.
'Yung kahit ilang beses masugatan
at gustuhing umiyak,
wala man lang luhang nais pang pumatak.
Gayon din sa saya—
ang mga ngiti'y hindi na muling gumuhit pa.
'Pagkat hindi na maalala
ang pakiramdam ng salungat nito.
Nakalimutan na, kung paano ba dapat
salubungin ang mundo.
At sa bawat paglipas ng panahon,
unti-unti ring kumukupas
ang mga makukulay na memorya—
hanggang sa lahat
ay tuluyan nang maging kulay abo.

Through WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon