Darating tayo sa punto
Kung saan mapupuno tayo.
Kusang aapaw mga naipong damdamin,
Papalitan ng mga likidong kinimkim.Hindi madaling magbahagi,
Ngunit kailangan iyon ng ating sarili.
Hindi madaling magbahagi,
Pero mas mahirap na hindi.Nariyan ang ibang tao,
Kahit na sino;
Basta't masasabihan mo,
Nariyan sila't naghihintay ng tinig mo.Maaari silang kumatok sa pinto,
Ngunit ikaw pa rin ang magbubukas nito.
Hayaan mo silang marinig ang 'yong tinig.
Hayaan mo silang makarinig.
Damhin mo kung sino ang sayo'y makikinig.Pero kung sa tingin mo'y wala,
Subukan mo ulit na tumingin sa iba.Huwag mong kalimutan na nariyan din Siya.
Sayo'y handang makinig,
Handang makarinig,
Handang tumindig,
At handang magmahal,
Ilan mang salita ang nais mong pakawalan.
BINABASA MO ANG
Through Words
PoetrySharing with you a book anthology of my English and Filipino short poems, open letters, prose and other literary works. Let me express myself through words. 🌻 Enjoy!