Magpalaya

21 2 0
                                    

Kung nagpupumiglas ay pakawalan mo,
'pagkat kung talagang para sa'yo,
kusa ring babalik ito.

Hahanapin niyang muli ang kaginahawaan
patungo sa kaniyang tunay na tahanan,
kahit ilan mang liko ang siyang daanan.

Hayaan mo siyang lumipad nang mag-isa;
huwag mong itratong bilanggo sa isang hawla.
'Pagkat ang tunay na pag-ibig ay mapagpalaya.

Through WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon