Hampas ng Alon

20 2 0
                                    

Napapagod na ang mga braso.
Hindi na alam kung saan patungo.
Malayo pa ba ang dulo?
Dahil paunti-unti'y nalulunod na rito.

Malapit nang kapusin sa paghinga.
Mga kamay at paa'y namamanhid na—
ngunit kailangang magpatuloy pa.
Hihinto lang sandali upang magpahinga.

Pagtapos, patuloy na lalangoy;
patuloy na sasabay sa daloy.
Hindi alintana ang direksyon,
patuloy lang sasabay sa alon.

Darating din ang panahon...
masisilayan ang inaasam na pag-ahon,
at pasasalamatan ang sarili sa pagpapatuloy;
sa hindi paghinto sa paglangoy.

Through WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon