Midnight Cinema

7 1 0
                                    

Gaano man ako katakot sa liwanag,
sasamahan pa rin kita patungo roon.
Mas pipiliin ko nang masilaw
kaysa malunod sa dilim ng mundo—
sa oras na maglaho ang 'yong anino.

Handa akong panoorin ang mga pelikula mo,
tuwing hatinggabi,
habang nilalaro ang 'yong mga daliri.
Lagi't lagi mo akong nasa tabi;
ikaw ang liwanag kong pinipili.

Inspired by: 4reuminct Golden Scenery of Tomorrow 🤍

Through WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon