Tinangkang pihitin pabilis ang oras—
patungo sa ninanais na landas.
Baka sa ganitong paraan ng pagtakas,
tuluyang makalaya sa mundong hindi patas.Paglapag ng mga paa sa lupa,
pagdilat sa mundong tinatamasa,
walang nakahalukipkip sa masa,
walang nakatingin nang masama.Hanggang mapadpad ako sa kalye ibaba.
Nagulantang ako sa aking mga nakita.
Akala ko'y kapag patas na, wala nang hati sa gitna—
ngunit tila mali pala ang aking hinala.Mabilis kong pinihit pabalik ang oras,
hanggang makabalik ako sa dating landas.
Mundo nga ba ang sa ati'y hindi patas
o ang mga taong dito'y mahilig sa mansanas?
BINABASA MO ANG
Through Words
PoesieSharing with you a book anthology of my English and Filipino short poems, open letters, prose and other literary works. Let me express myself through words. 🌻 Enjoy!