The One That Got Away

23 1 1
                                    

Isang umaga paggising ko,
natagpuan kita sa dulo.
Tahimik, walang imik,
Nanlalamig, tila wala nang balak bumalik.

Pilit kong inaabot ang mga kamay mo,
kay lapit mo, ngunit hindi ko maabot ang mga ito.
Napahinto ako,
at doon na nagsimulang manlumo.

Nag-unahan sa pagbagsak ang aking mga luha.
Hindi lubos maisip at mahinuha.
Tapos na ba ang kwento nating dalawa?
Hindi na ba ito pwedeng dugtungan pa?

Nang kaunting huminahon ang aking puso,
muli kitang pinagmasdan nang husto.
Kay tining na ng paghimbing mo—
Hihintayin ko ang muli nating pagtatagpo.

Ngunit kung panaginip lamang ito,
pwede bang magising na lang ako?

Through WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon