Narito tayo sa isang lugar—
na walang konkretong dulo.
Nakakulong,
hindi makawala rito.
Sapagkat hindi natin kontrolado ang barko.Hindi tayo ang nagpapatakbo nito.
Paano na tayo?
'Di alintana ang bawat araw, oras, at minuto.
Nangangapa sa susunod na mangyayari sa mundo.
Makalalaya pa ba tayo?Narito tayo sa isang lugar—
na walang konkretong dulo.
Nakakulong,
hindi makawala rito.
Sapagkat hindi natin kontrolado ang barko.Ang responsibilidad natin ay makaramdam,
tumulong, magsalita, at makialam.
Responsibilidad nating magpakatao.
Hindi lang tayo ang nasa lugar na ito—
'Wag maging makasarili nang husto.Walang may gusto,
pero narito na tayo.
Ang dapat na prayoridad,
ay ang mga mamamayan sa loob ng barko.
Ang dapat na prayoridad,
ay ang buhay ng mga taong narito.Ang kabuhayan ng mga tao—
sa gitna ng pagsubok na ito.
Para sa oras na makadaong na ang barko,
sama-sama pa rin ang lahat sa dulo.Walang naiwan
Walang inalisan ng kabuhayan
Walang hinayaang malunod bago ang pagdadaungan
Walang inalisan ng karapatan
Walang pinaboran na makapangyarihan.Ang dapat na prayoridad,
ay ang mga mamamayan sa loob ng barko.
Ang dapat na prayoridad,
ay ang buhay ng mga taong narito.
BINABASA MO ANG
Through Words
PoetrySharing with you a book anthology of my English and Filipino short poems, open letters, prose and other literary works. Let me express myself through words. 🌻 Enjoy!