Patuloy akong magsusulat ng tungkol sa iyo,
upang maipadama ang laman nitong puso.
Isusulat ko ang walang katapusan nating kwento,
at hindi kailanman mauubusan ng salita tungkol dito.May dahilan ang tadhana kaya tayo pinagtagpo—
ikaw ang naging liwanag sa madilim kong yugto.
Nanatili ka hanggang sa muling pagsikat ng araw sa mundo,
ikaw ang naging sandigan upang hindi ako tuluyang gumuho.Ngunit hindi ito ang dahilan ng pagmamahal ko—
dahil walang salita ang maaaring makapaglarawan nito.
BINABASA MO ANG
Through Words
PoetrySharing with you a book anthology of my English and Filipino short poems, open letters, prose and other literary works. Let me express myself through words. 🌻 Enjoy!