Doon sa ilog ng kasiguruhan,
walang naglalaging mamamayan.
Naroon lamang ang lahat sa dalampasigan,
Sinisipat ang katotohanan.
Sila'y nasanay sa walang kasiguruhan,
kaya't hindi maliwanagan.
Tunay ba ang kanilang nasa harapan,
o isang panaginip na naman?
Ang tanging sigurado lang sa mundo,
ay ang kawalan ng kasiguruhan dito.
BINABASA MO ANG
Through Words
PoesíaSharing with you a book anthology of my English and Filipino short poems, open letters, prose and other literary works. Let me express myself through words. 🌻 Enjoy!
