'Sundo'
Nandito ako sa loob ng room namin habang tahimik na nakikinig kay Mrs. Ocampo, ang Filipino teacher namin.
"Anong nangyari no'ng Intrams?" as always, katabi ko si Jayrenne na kanina pa nangungulit sa akin tungkol sa pinag-usapan namin ni Lucas no'ng Intrams. Kanina pa ako tahimik dito dahil wala naman akong balak na sabihin sa kaniya.
"Tumahimik ka. Kapag tayo pinalabas dito ni Mrs. Ocampo dahil sa kadaldalan mo, hindi ako magdadalawang-isip na ipagkalat sa buong La Celestria High School na may gusto ka sa pinsan ko," mahinang bulong ko at mariing tinitigan siya.
"Lol! Ako? Maloko mo? Si Jayrenne lang 'to, ang bestfriend mo. So, ano ngang–" Hindi niya na natapos pa ang kaniyang balak na sabihin dahil sa biglaang pagsigaw ni Mrs. Ocampo.
"Bb. Garcia at Bb. Villamor!" mariin kaming napapikit ni Jayrenne nang isinigaw ni Mrs. Ocampo ang apelyido naming dalawa. Napabaling ang tingin namin kay Ma'am na nasa unahan at galit na nakatingin sa gawi namin. "Nais ko lamang na ipaalam sainyong dalawa na nakakaistorbo kayo sa aking klase, kung kaya't maaari lamang na lisanin niyo na ang silid na ito sapagkat ang ingay-ingay niyo!" sigaw niya at marahang itinuro ang pinto na lalabasan namin. Napabuntong hininga na lang ako bago tumayo.
Ano pa nga bang magagawa ko? Ngayon lang ako napalabas ni Ma'am sa gitna ng kaniyang klase. At dahil pa sa pahamak na bunganga ni Jayrenne. Ugh!
Dala-dala namin ngayon ni Jayrenne ang bag namin. Nauna akong umakyat patungong second floor dahil naroroon ang Cafeteria. Nakasunod lang sa likod ko si Jayrenne na hindi na maipinta ang mukha. Parang natatae lang.
"Uyy! Best! Sorry na! Hindi ko naman sinasadya. Please, 'wag mong ipagkakalat na may gusto ako kay Marco," sambit niya. Hininaan niya ang boses niya nang sinabi niya ang mga katagang 'may gusto ako kay Marco'.
"Tumahimik ka na lang," sambit ko.
Nauna akong pumasok sa loob ng Cafeteria ngunit agad rin namang napahinto nang mahagip ng paningin ko si Lucas. OMG! Parang hindi ko yata kayang harapin siya ngayon dahil sa kahihiyan. Ano ba kasi ang pumasok sa utak ko para itanong ang mga gano'ng bagay no'ng nag-usap kami? Hahatakin ko na sana si Jayrenne paalis do'n ngunit hindi na natuloy dahil nakita na kami ni Van. Ang malas ko naman ngayon.
"Sashe! Dito!" tawag niya bago itinuro ang kanilang table na may bakante pang upuan.
Inisip kong umalis na lang do'n ngunit parang ang sama ko namang tao kapag gano'n. Parang ang rude tignan.Hinatak ko si Jayrenne patungo sa table nina Lucas.
"Sh*t! Dyan tayo uupo?" mahinang bulong niya sa akin, halatang nag-papanick.
"Ano sa tingin mo?" sarkastikong tanong ko.
Agad akong umupo sa katabing upuan ni Lucas. Sinenyasan ko si Jayrenne na maupo sa katabi ko na kaharap ng upuan ni Marco. So bale, magkakatabi kami nina Lucas at Jayrenne. Sa kabilang gilid ay si Jaxson na kaharap ni Lucas, si Leo na kaharap ako, at si Marco na kaharap si Jayrenne. Si Van naman ay nasa kabisera.
Kung alam ko lang na nandito sila, edi sana sa library na lang ako pumunta.
"Bakit kayo nandito? Break niyo rin?" tanong ni Leo bago tumingin sa akin.
BINABASA MO ANG
The Unstoppable Love
RomanceYung ang layo niyo na nga sa isa't isa pero pinipilit mo paring mapalapit sakanya. Yung alam mong mahirap siya pero nagawa mo pang makipagkaibigan sakan'ya. Hindi naman sa bawal pero bakit siya pa? Yung alam mong tatlong taon ang tanda niya sayo per...