Kabanata 8

43 3 2
                                    

'Tears'












Hatak-hatak ako ngayon ni Jayrenne patungong gymnasium. Ngayon kasi ang practice no'ng dalawang baguhan sa team nina Lucas. Ewan ko ba kung bakit excited si Jayrenne na pumunta do'n. Oo, curious kami pareho kung sino ba 'yong baguhan. Pero hindi naman ako ka-excited tulad niya.





Si Ariel naman ay minsan na lang namin nakakasama. Ewan ko do'n sa isang 'yon, palaging busy.






Pagkapasok namin ay halos mabingi ako sa ingay, hiyawan, at sigaw nila. As always, nagsisiksikan parin ang mga estudyante dahil sa dami nila.








"Mabuti na lang talaga, nagpareserve ako ng upuan dito sa parteng ito. Makikita natin sila ng malapitan," rinig kong sambit niya at hinatak ako paupo sa bleachers na dati naming pwesto. Nagtataka nga ako, kung bakit palaging may naka-reserve na upuan.






Napatingin ako sa court. Nakita ko si Marco na kinakausap 'yong isang baguhan. Medyo familiar siya sa 'kin–oh! I remember na! Si Calix Ezra,'yong sumali rin sa Pageant. So, kasali na 'rin pala siya sa Lightning Warrior.







Napabaling ako kay Jayrenne para sana sabihin ang nalaman ko ngunit hindi ko na natuloy pa. Nanlalaki ang kaniyang mga mata bago tumingin sa akin, sabay turo ulit sa Court.





Napakunot ako ng noo at sinundan na lang ng tingin ang kamay niyang nakaturo sa kung saan. Nakita ko si Ariel na kinakausap ni Lucas.






"O? Anong nakakagulat? E, magkausap lang naman. Ang O.A mo," sabi ko kaya bigla niya akong pinandilatan ng mata. "What?" dugtong na tanong ko.




"Bakit siya nando'n?" nagtatakang tanong niya. At na-realize kong...





"The f*ck? Don't tell me siya 'yong isang na recruit? Oh my! Kasali na siya sa Lightning Warrior?" Hindi makapaniwalang tanong ko.





"Bakit wala siyang sinabi?" tanong naman ni Jayrenne.





"Parang hindi niya tayo kaibigan," sambit ko at nakatitig na kay Ariel na pawisan.





"Parang hindi niya tayo nakasama ng anim na taon," dugtong naman ni Jayrenne.






Kapag nakakashoot sila ay halos magsitayuan na ang mga estudyanteng naroroon.



"Go Calix!"



"Ang galing mo Calix!"




"Go Jairus!"




"Ang galing ninyong dalawa!"




"Go Lightning Warrior!"






"Si Ariel ang may hawak ng bola," sabi ni Jayrenne na kanina pa ako sinisiko.





"May sarili akong mata. Nakikita ko rin ang nakikita mo," pagtataray ko sa kaniya.





Pareho kaming napatayo ni Jayrenne ng mai-shoot iyon ni Ariel.





"Galing mo, Ariel!" Hindi ko na napigilan ang sumigaw.




Napatingin sa amin si Ariel at nginitian kami.




"Oy!" tawag sa akin ni Jayrenne na kinakalabit ako. "Oy!"




The Unstoppable Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon