Kabanata 3

65 4 0
                                    

'Ms. Intrams Representative'














Section 1- maingay, magulo, ang iba may sariling mundo, may sumasayaw, may kumakanta, may sumisigaw, may tahimik, may nag-aaway, may nag-titinda, may gumagamit ng cellphone, may natutulog, may nagbabasa, may nagbabatuhan ng libro, may kumakain, may lumalabas, at may nag-gigitara.

Akala nila ang babait namin pero hindi nila alam na gan'yan kami kapag walang teacher na pumapasok sa room namin.

"Hoy! Libro ko 'yan!"

"Kain ka ng kain, hindi ka naman tumataba."

"Kulang 'yong sukli ko."

"Sino d'yan ang pangit na kumakanta? Akala siguro ang ganda ng boses niya, hindi niya alam sentonado siya."

"🎶At kung masaya ka sa piling niya, hindi ko na pipilit pa, ang tanging hiling ko lang sa kaniya, huwag kang paluhain at alagaan ka niya. 🎶"

"Bakit nasa iyo ito? Saan mo ito nakuha?"

"Luh, hindi ko nga iyan nahawakan."

"Follow mo account ko tas follow back kita."

"Pusuan mo profile ko."

"Ganito ang tamang pag-strum ng gitara."

"Next step na tayo!"

"Tumahimik nga kayo! Ang iingay niyo! Kita ng natutulog ang tao."

"Hoy! Pulutin mo 'to. Nakita kong hinulog mo iyong basura mo."

"Pasok mga suki, presyong dibisoria."

"Gusto mo?"

"Pwede?"

"Luh, asa ka."

Ngunit agad silang tumahimik at nagsi-tigil sa kanilang mga ginagawa nang biglang may pumasok sa room namin. Si Sir Adolfo Cervantes, ang Mapeh teacher namin. Gwapo, tahimik,seryoso, at parang laging galit sa mundo. Hindi iyan palakibo pero mabait na teacher si Sir. Masipag magturo at mataas rin magbigay ng grades.

"Good morning, Sir," bati ni Mandy.

At dahil binati niya si Sir, nagsi-sunod naman ang mga kaklase kong pabida.

"Hi Sir!"

"Gwapo natin ngayon Sir," sambit naman ni Ariel.

As always... mahangin parin siya. Walang pinagbago.

"Morning Sir."

"Hello Sir."

"Morning," malamig na sabi ni Sir Adolfo.
Tinalikuran niya kami at humarap sa pisara(blackboard). May idinikit siya do'n na papel at pagkatapos ay agad na siyang lumabas sa room namin nang hindi man lang nagpapa-alam. Masanay na kayo kay Sir Adolfo. Gano'n talaga siya palagi, ma-attitude.

Pinagkaguluhan ng mga kaklase ko ang papel para makita kung ano ang nakasulat do'n. Sabay naman kaming tumayo ni Jayrenne para makisilip habang si Ariel ay bored lang na nakaupo sa kaniyang upuan.

Nagsimula na kaming mag-lakad papunta sa unahan kung nasaan ang pisarang dinikitan ni Sir ng papel. Ngunit hindi pa nga kami nakakalapit ay may tumulak na sa amin palayo. Nakita namin si Jasmine kasama ang mga alipores niya na tumigil pagkatapos kaming itulak.

"Opps! Sorry. Hindi ko sinasadya," plastik siyang ngumiti pagkatapos ay sabay-sabay silang umirap at tinalikuran kami. Hindi raw sinadya pero mas'yadong halata.

Napabaling kami kay Ariel nang tumayo ito. Seryoso siyang tumingin sa nakatalikod na si Jasmine bago tumingin sa amin ni Jayrenne. Pilit akong ngumiti sa kaniya at itinuro na lang ang papel. Hindi na ininda ang nangyari kani-kanina lang. Pero alam kong hindi 'yon palalampasin ni Ariel. Paniguradong may kagaguhan na naman siyang gagawin lalo na't nakita niya ang ginawa sa amin ni Jasmine.

The Unstoppable Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon