'Intrams 1-(The Pageant)'
Nauna na kami ni Kuya Sandro papuntang School dahil susunod nalang daw si Marco. Si Kuya ang nagmamaneho dahil kotse niya ang gamit namin ngayon. Ako naman ay nakaupo lang sa front seat habang nakikinig sa kanta ni Anne Marie na '2002'.
'I will always remember,
The day you kiss my lips,
Light as a feather,
And it went just like this,
No it's never been better,
Than the summer of 2002(ohh)
Uh, we were only eleven,
But acting like grown-ups,
Like we are in the present,
Drinking from plastic cups,
Singing "love is forever and ever"
Well, I guess that was true.Dancing on a hood on a middle of the woods,
On an old mustang, where we sang,
Songs with all our childhood friends,
And it went like this, sayOpps, I got 99 problems singing bye, bye, bye,
Hold up, if you wanna go and take a ride with me,
Better hit me, baby one more time, uh
Paint a picture for you and me
On the days so we were young, uh
Singing at the top of both our lungs.'L
itaw na litaw ang maputi kong kulay dahil sa suot kong yellow dress na tinernuhan ko ng black heels. Nakalugay lang ang buhok ko at may konting kolorete ang aking mukha. Si Kuya Sandro naman ay nakasuot ng black longsleeve, black pants, at black shoes.
'Now we're under the covers,
Fast forward to eighteen,
We are more than lovers,
Yeah, we are all we need,
When we're holding each other,
I'm taken back to 2002(ohh)Dancing on a hood on a middle of the woods,
On an old mustang, where we sang,
Songs with all our childhood friends,
And it went like this, sayOpps, I got 99 problems singing bye, bye, bye,
Hold up, if you wanna go and take a ride with me,
Better hit me, baby one more time, uh
Paint a picture for you and me
On the days so we were young, uh
Singing at the top of both our lungs
On the day we fell in love.'Nang makarating kami sa school ay agad kaming pinapunta sa backstage dahil malapit nang magsimula ang Pageant.
"Punta na ako sa partner ko," rinig kong bulong ni Kuya Sandro bago nagpati-unang pumasok sa backstage. Susunod na sana ako ngunit saglit akong napatigil nang marinig ko na may tumatawag sa pangalan ko. Napatingin ako sa mga taong nando'n na manonood ng Pageant.
"Sashe! Dito!" malakas na sigaw ni Jayrenne habang tumatalon-talon pa para lang makita ko ang kinaroroonan niya. Ngumiti siya nang magtama ang paningin namin. Nahagip din ng paningin ko si Ariel na kasama pala ni Jayrenne. Nakaupo siya katabing upuan na uupuan ni Jayrenne. Kumaway ako sa huling pagkakataon. Hudyat na papasok na ako sa backstage.
"Mamaya!" sigaw ko bago pumasok sa backstage.
Nang makapasok ako ay saglit akong tumigil para hanapin ang kinaroroonan ni Felix. Hindi ko napansin na may tao palang nakasunod sa akin kung kaya't nang tumigil ako ay nabunggo siya sa aking likod. Tinignan ko kung sino iyon at halos malagutan ako ng hininga nang magtama ang paningin namin ni Lucas.
Napalayo ako ng konti at tuluyang humarap sa kaniya. Hihingi na sana ako ng tawad ngunit hindi na natuloy dahil may biglang kumausap sa kaniya.
"Akala ko hindi ka na darating. Hindi ka kasi bumisita kahapon sa bahay. Miss ka na nga ni Mama," masayang sabi ni Zia at lumapit kay Lucas. Nakita kong hinawakan niya ang kamay ni Lucas para mahila paalis sa harap ko. Tulala at hindi ko naman maalis ang paningin ko do'n.
BINABASA MO ANG
The Unstoppable Love
RomanceYung ang layo niyo na nga sa isa't isa pero pinipilit mo paring mapalapit sakanya. Yung alam mong mahirap siya pero nagawa mo pang makipagkaibigan sakan'ya. Hindi naman sa bawal pero bakit siya pa? Yung alam mong tatlong taon ang tanda niya sayo per...