Kabanata 22

35 1 0
                                    

'Girlfriend'











"Susunduin ka ba ulit ni Lucas?" tanong ni Jayrenne sa kalagitnaan ng klase.



"Oo. Mali-late lang daw siya ng konti," sagot ko habang nagsusulat. "Do'n ka na nga sa upuan mo. Baka mahuli ka pa ni Sir," utos ko. Mabuti na lang ay sinunod niya ako.



Pagkatapos ng discussion ay nag pa-quiz si Mr. Parola.




"Get one whole sheet of paper," anunsyo niya. Agad ko namang sinunod ang utos niya. Kumuha ako ng papel sa bag at inilagay iyon sa ibabaw ng table ko.





"Long quiz ba?" rinig kong tanong ng katabi ko.



"Ako ba ang kausap mo?" tanong ko at tinuro ko pa ang aking sarili. Napatingin naman siya sa akin. She arched her eyebrows.




"Sino pa ba? May nakikita ka pa bang ibang katabi natin dito?" sarkastikong saad niya. Napatigil ako. Hindi alam kung ma-o-offend ba ako sa sinabi niya. I'm just asking you know.



She chuckled.


Napansin niya siguro ang ekspresyon sa mukha ko kaya nagsalita siyang muli. "Sorry. Nagbibiro lang ako," nakangiting aniya.



Nang matapos ang quiz ay halos mamutla na ang mukha ni Jayrenne. Para na siyang masusuka na ewan.



Hindi niya ginagalaw ang kan'yang pagkain dahil wala raw s'yang gana. Nasa cafeteria kaming tatlo. Kasabay namin si Ariel dahil maaga ring natapos ang klase nila.



"Ayaw mo talagang kumain?" tanong sa kaniya ni Ariel.



Umiling si Jayrenne. "Ayoko nga," sagot niya sabay bagsak ng kaniyang ulo sa ibabaw ng lamesa.



"Anong nangyari d'yan?" pabulong na tanong ni Ariel sa akin.



"Ewan. Basta pagkatapos ng long quiz na ibinigay ni Mr. Parola kanina ay gan'yan na s'ya," sagot ko.


He chuckled kaya siniko ko siya dahil baka marinig s'ya ni Jayrenne. Kinunotan ko siya ng noo.



Inilapit niya ang kan'yang sarili sa akin. "Alam ko na kung bakit  gan'yan 'yan," bulong niya.



"Bakit?" I asked curiously. Nawi-weirdohan narin kasi ako kanina pa sa inaasta ni Jayrenne.


"Siguro hindi niya nasagutan lahat ng tanong sa quiz natin kanina," sagot niya. Siniko ko siya dahil nasa harap lang namin si Jayrenne.




"Naririnig ko kayo," rinig naming sabi ni Jayrenne. Napatingin kami sa kaniya na seryosong nakatingin sa amin. "And FYI," bumaling ang tingin ni Jayrenne kay Ariel. "Nasagutan ko ang lahat ng tanong sa quiz ni Sir," dugtong niya at inirapan niya kami.




Umayos ng upo si Ariel."Nasagutan mo pala e, bakit ka gan'yan? Tignan mo ang itsura mo sa salamin. Para kang nasusukang  ewan," mapang-asar na wika ni Ariel sa kaharap namin.




"At least maganda parin," walang hiyang sagot ni Jayrenne.



Halos sabuyan na ng tubig ni Ariel ang mukha ni Jayrenne dahil sa inis. "Wala akong pakialam kung maganda ka o hindi. Ang tinatanong ko ay kung bakit ka ganyan," mariing sabi ni Ariel.



"Oo. Nasagutan ko nga 'yong quiz! Kaso..." napatigil siya.


"Kaso?" sabay naming tanong ni Ariel.



The Unstoppable Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon