Kabanata 31

38 2 0
                                    

'Jealous'











Napatigil ako dahil sa sinabi ni Amelia.



Ni isa sa amin ay walang pumansin sa sinabi niya. Tahimik lang kaming lahat na nagpatuloy sa pagkain. Tunog lang ng kutsara, tinidor at plato ang maririnig mo sa hapagkainan.




Napatingin kaming lahat kina Tita at Tito nang bigla silang tumayo.




"Maiwan na namin kayo," paalam nila nang matapos sila sa pagkain.




Tumango lang kami sa kanila.




Nang tuluyan na silang umalis sa dining room ay bored kong tinignan si Amelia na kanina pa nakangiti sa akin.




Sinuklian ko ang plastik niyang ngiti ng plastik rin na ngiti. So, anong gusto niyang iparating? Na ang lahat ng ginagawa sa akin ni Lucas ngayon ay ginagawa rin sa kaniya? Gano'n ba?




"Shaniah," Lucas called. Naiirita akong lumingon sa kaniya.




"Ano?" mahinang tanong ko.




"Ahhhh..." sabi niya. Ibinuka pa niya ang kaniyang bibig.




"A-ano bang ginagawa mo?" kunot noong tanong ko.





"Ang sabi ko, ngumanga ka dahil susubuan kita," he said. Inangat niya ang kutsarang may lamang cake. "Ahhh..."





Ngumanga ako. Agad naman niya 'yong isinubo sa akin.





"Ang kalat mo namang kumain," pinunasan niya ang gilid ng labi ko gamit ang hinlalaki niya.





Inilayo ko ang mukha ko sa kaniya. "Ayoko na. Busog na ako."




Tumango lang siya. Tumingin ako kay Kai nang bigla siyang tumayo.




"Tapos ka na?" tanong ko.



"Oo. Sa sala na muna ako," paalam ni Kai.




"Okay," ngumiti ako. Tumango lang si Kai sa amin bago tuluyang lumabas at dumiretso sa sala.





Napatingin ako kay Amelia na kanina pa hindi maipinta ang mukha. Ano ka ngayon? Sinusubuan ka rin ba ni Lucas kapag kumakain? Sa tingin ko hindi.





Ngumiti ako sa kaniya dahilan kung bakit inirapan niya ako.




"Amelia," suway sa kaniya ni Lucas. What now, bitch?




"Ako na ang maghuhugas ng mga pinagkainan. Gusto mo bang tumulong, Sashe?" napaayos ako ng upo. I was about to answer but she cut me off. "Anak ka nga pala ng mayaman. Lumaki kang mayaman kaya paniguradong hindi ka marunong maghugas ng plato. Baka nga pati pagluluto ay hindi ka pa marunong," she smiled at me.





Ngumiti ako kahit medyo natamaan sa sinabi niya.





"Mas mabuti siguro kung si Engineer na lamang ang alukin mo. Alam ko namang mas gugustuhin mong makasama siya kaysa sa akin. Tsaka, 'di ba may gusto ka sa kaniya? Why don't you make a move? Malay mo, maging kayo," banayad na wika ko.





"Shaniah," lumingon ako sa katabi kong si Lucas na nakatitig sa akin.




Tinaasan ko lamang siya ng kilay. "Do'n ka muna sa sala. Mag-uusap lang kami ni Amelia," seryosong sabi niya.




The Unstoppable Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon