'Rough Day'
"Manang!" agad kong sigaw nang makababa ako sa kwarto. Natataranta akong nagtungo sa aming sala. "Ninya!" sigaw ko.
"O? Iha, may kailangan ka ba?" tanong sa akin ni Manang Josefina na nag mamadaling lumapit sa akin. "Papasok ka na? Kumain ka muna ng almusal bago ka umalis," sambit niya pagkatapos akong pasadahan ng tingin. Suot ko na ang uniform ko at bitbit ko na'rin ang bag ko.
"Nasa'n po si Marco?" tanong ko dahil hindi ko na naman siya makita. "Bumaba na po ba siya rito?"
"Umalis na, Iha," halos lumaki ang mga mata ko dahil sa gulat. What the heck? Iniwan na naman ako? Tf?!
"Po?" gulat na tanong ko.
"Maagang umalis si Marco, iha. Ewan ko ba kung bakit," sagot niya.
"Uhm, alis na'rin po ako," paalam ko at agad na lumabas ng bahay.
"Kumain ka muna, iha!" rinig kong sigaw ni Manang.
"Sa School na lang po ako kakain!" sigaw kong sagot. Nagmamadali kong tinawag si Alejandro para magpahatid sa eskwelahan.
When we went inside the Van, I quickly fastened my seatbelt. Agad naman 'yong pinaandar ni Alejandro.
Ang malas ko naman ngayong araw. Kapag nakita ko talaga si Marco ay ipasusuntok ko talaga ang mukha niya kay Kuya. Sh*t! Late. Na. Ako! And worst, Exam namin ngayon.
Buong byahe ay pagrereview lang ang ginawa ko. Hindi ko na nga napansin masyado ang itsura ko. Kung okay pa ba ang mukha ko?Kung plantyado ba ang uniform ko? Kung malinis ba ang sapatos ko?
Nang huminto ang SUV sa tapat ng Gate ng School namin ay agad agad akong lumabas do'n. Sumilip ako sa nakababang windshield at nakita ko si Alejandro na nakatingin din sa akin.
"Sunduin mo po ako mamaya, Manong," magalang sa sabi ko na ikinabusangot ng mukha niya. Ikaw ba naman tawaging Manong kahit binata ka pa. "Mag-asawa ka na po kasi," nang-aasar na dugtong ko.
"Malapit na," sambit niya na ikinakunot ng noo ko. Then, I realized something. Hindi lang ako sigurado.
"May girlfriend ka na?" gulat na tanong ko.
Ngumisi siya. "Wala ako no'n," sambit niya ngunit hindi parin ako nakuntento sa sagot niya. "Pero... Fiancée, meron," dugtong niya na ikinanganga ko.
"Kailan ang kasal?" tanong ko.
"Wala pang date," sagot niya. Magsasalita pa sana ako nang bigla ulit siyang nagsalita.
"Hindi ka pa ba late?" tanong niya kaya bigla akong kinabahan at halos mamutla."Sh*t! Ba't ko ba nakalimutan?" bigla kong sabi at nagmamadaling naglakad papasok sa loob ng eskwelahan. "Papasok na ako!"sigaw ko kay Alejandro na nando'n parin.
Mabibilis ang ginawa kong mga hakbang. Nang makarating ako sa first floor tumakbo na ako paakyat ng second floor kung nasaan ang room namin. Lumiko ako sa kaliwa ngunit laking gulat ko ng mabunggo ako sa nagmamadali 'rin na si Lucas. Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa ng mahulog sa sahig ang mga gamit ko. Bakit ba hindi ko namalayan na bukas pala ang bag ko?
BINABASA MO ANG
The Unstoppable Love
RomanceYung ang layo niyo na nga sa isa't isa pero pinipilit mo paring mapalapit sakanya. Yung alam mong mahirap siya pero nagawa mo pang makipagkaibigan sakan'ya. Hindi naman sa bawal pero bakit siya pa? Yung alam mong tatlong taon ang tanda niya sayo per...