'Manila'
Ipinarada niya sa garahe ang sasakyan pagkatapos ay pinagbuksan niya ako ng pinto. Lumabas na ako at siya naman ay kinuha sa backseat ang nga pinamili namin.
Sabay kaming pumasok sa mans'yon at dumiretso sa dining area. Nakita namin si Manang na naglilinis do'n.
"Bakit kayo natagalan?" she asked. Tinuro niya kay Lucas ang counter kung saan ilalagay ang mga pinamili namin.
"Medyo mahaba po 'yong pila," sagot ko.
Tumango lang siya.
Sumapit ang alas-otso ng gabi ay hindi parin umuuwi sa kanila si Lucas. Nakapag-dinner na kami ngunit wala parin yata siyang balak na umalis. Nakaupo lang siya sa sofa rito sa sala. Magkatapat lang ang inuupuan naming dalawa kaya nakikita ko ng maayos ang kaniyang mukha.
Tumaas ang kilay ko habang pinagmamasdan siyang nag ta-type sa kaniyang cellphone. Sinong ka textmate niya?
"Gabi na, hijo. Mas mabuti kung umuwi ka na," sabay kaming napatingin kay Manang na kakatapos lang mag hugas ng mga pinggan.
Tumayo si Lucas kaya tumayo rin ako.
"Kung gano'n ay uuwi na po ako, Manang," he said.
"Ihatid mo si Lucas sa labas, Sashe," utos niya sa akin. Ihahatid ko naman talaga si Lucas kahit hindi ako utusan.
Tumango na lang ako kay Manang. Nauna na akong pumanhik palabas ng mans'yon.
"Mauna na po ako sainyo, Manang," rinig kong paalam ni Lucas kay Manang bago sumunod sa akin. Nang maabutan niya ako ay sabay kaming naglakad patungo sa garahe kung nasaan ang BMW niya.
Akala ko ay papasok na siya sa loob ngunit humarap siya sa akin at sumandal sa sasakyan niya.
"Bakit?" I asked.
"Tapos na ang renovation," he said.
"Tapos na?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Bakit hindi ko napansin kanina?
"Pero babalik pa ako rito bukas."
"Bakit?"
"Gusto kong mag horse riding kasama ka," he said in serious tone.
"Sige. Mag horse riding tayo bukas," Pagsang-ayon ko.
"Sige, uuwi na ako."
I nodded.
Akala ko ay papasok na siya sa kaniyang sasakyan ngunit nagulat na lamang ako ng bigla niyang hinapit ang bewang ko palapit sa kaniya at marahan akong hinalikan sa labi.
"Good night," bulong niya nang matapos ang halik. Pinakawalan na niya ako bago tuluyang pumasok sa loob ng kaniyang sasakyan. Napaayos ako ng tayo sa gilid ng bigla niya akong kinindatan. The f*ck? Ba't ang gwapo niya kasi?
Ngumiti lang ako sa kaniya. Pinatakbo na niya ang BMW paalis sa mansyon. Lalagnatin siguro ako dahil sa init ng pisngi ko.
Nang mawala na siya sa paningin ko ay pumasok na ako sa loob ng mansyon.
Kinaumagahan ay bigla na lang akong nagising dahil sa taong kumakatok sa pinto ng kwarto ko. Narinig kong bumukas 'yon ngunit hindi ko na pinansin pa at muling natulog.
BINABASA MO ANG
The Unstoppable Love
RomanceYung ang layo niyo na nga sa isa't isa pero pinipilit mo paring mapalapit sakanya. Yung alam mong mahirap siya pero nagawa mo pang makipagkaibigan sakan'ya. Hindi naman sa bawal pero bakit siya pa? Yung alam mong tatlong taon ang tanda niya sayo per...