'Ang pagtigil'
"Ano? May nahanap na ba kayo?" tanong ko kina Jayrenne at Ariel. Nandito kami ngayon sa loob ng room namin at kasalukuyang naghahanap sa nawawala kong wallet.
"Wala," sagot ni Jayrenne habang umiiling.
Napabaling ako ng tingin kay Ariel."Ano sa tingin mo?" supladong sabi niya.
"Best, magpahinga na muna tayo. May 30 minutes na lang tayo para kumain ng lunch," biglang sabi ni Jayrenne.
Napatango kaming dalawa ni Ariel.
"Tara sa Cafeteria," nasabi ko nalang. Nakakahiya man aminin, pero alam kong gutom na sila dahil mas inuna nila na tulungan ako sa paghahanap sa wallet ko.
"Paano 'yong hinahanap natin?" tanong ni Ariel sa akin.
"Edi, mamaya na lang natin ipagpatuloy ang paghahanap," nakangiti kong sagot. Pwede rin namang bukas. Pwede rin namang huwag na nating hanapin.
"Sabi mo 'yan, a," ani Ariel.
Nagsimula na kaming maglakad patungong Cafeteria.
Katulad kahapon ay siksikan parin sa loob.
"Kaniya-kaniyang bayad tayo ngayon," sabi ko na ikinagulat nilang dalawa." Bakit?" nagtatakang tanong ko.
"May pera ka?" halos sabay nilang tanong.
"Of course. Anong akala niyo sa akin? Walang ipon? Tsaka, palagi akong binibigyan ni Daddy ng pera. Hindi nga lang alam ni Mommy," sagot ko sa tanong nila. Inunahan ko na silang pumila para bumili ng sariling pagkain. Sumunod naman sila sa likod ko. Nang makabili ay tumabi ako para makabili sila.
"Sunod na lang kayo," bilin ko kay Ariel at tumango naman siya bilang sagot.
Hindi ako nahirapang mag hanap ng mauupuan dahil may nakita agad akong bakante malapit lang sa dati naming inuupuan. Nasa bandang kanang gilid iyon kung kaya't bigla akong lumiko sa kanan ngunit hindi ko inaasahan na may mabubunggo ako. Napatingin ako sa damit niyang nabuhusan ng inorder kong juice.
"Sorry. Hindi ko sinasadya," kabadong sambit ko. Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa ng palda ko gamit ang isa kong kamay. Pupunasan ko na sana iyon ng pigilan niya ako.
"Huwag na. Okay lang ako. Konti lang naman 'yong nabuhos," napaawang ang labi ko ng marinig ang pamilyar na tinig. Halos bumilog ang mga mata dahil sa gulat nang makita si Zia sa harapan ko.
"S-sorry,"halos pabulong na sambit ko. Akmang pupunasan ko na ang damit niya ngunit inunahan na ako ni Lucas.
"Anong nangyari dito?" tanong niya habang pinupunasan ang damit ni Zia. Hindi ako nakasagot at tahimik lang na nakatitig sa kanilang dalawa. Nararamdaman ko 'rin na namumutla na ang mukha ko at nanginginig na ang tuhod ko dahil sa kaba at pagkagulat. Hindi ko 'rin magawang ibuka ang bibig ko sa tuwing tinatangka kong magsalita.
"Okay ka lang?" tanong ni Lucas. Dahan-dahan kong ibinuka ang aking bibig para sana sagutin siya ngunit agad rin akong napatigil nang si Zia ang sumagot sa tanong niya.
BINABASA MO ANG
The Unstoppable Love
RomanceYung ang layo niyo na nga sa isa't isa pero pinipilit mo paring mapalapit sakanya. Yung alam mong mahirap siya pero nagawa mo pang makipagkaibigan sakan'ya. Hindi naman sa bawal pero bakit siya pa? Yung alam mong tatlong taon ang tanda niya sayo per...