Kabanata 26

42 1 0
                                    

'After Seven Years'










Tinutusok-tusok ko ang cake na nasa harap ko gamit ang tinidor. Sinusundan ko ng tingin ang bawat galaw ni Ate Xaijii. Tumutulong siya sa pagseserve dahil dumadami na naman ang mga customer na pumapasok sa Café.




Siya ang may-ari ng Café na ito. Nagpakasal siya sa edad na dalawampu't dalawang taong gulang. At ngayon ay meron na siyang dalawang anak. Makalipas ang isang taon namin dito sa Manila ay nagkita ulit kami ni Ate Xaijii. Naging malapit kami sa isa't-isa at higit pa sa pag-kakaibigan ang aming turingan. Kung titignan niyo ay para na kaming mag kapatid dahil sa sobrang close namin.




"Kakanta ka ba?" tanong niya sa akin. O? Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala siya.



I nodded. "Oo. Baka kasi huli ko nang kanta 'to ngayon," sagot ko.



Kumunot ang noo niya. "Bakit naman?" she asked. Lumapit siya sa upuang nasa harap ko at umupo do'n. Then, she looked at me.




"Uuwi ako sa La Celestria," matamlay kong sabi.



"As in, sa Probinsiya niyo?" namamangha niyang tanong.


I nodded.


Umawang ang bibig niya. "Oh my gosh! 'Di ba nando'n 'yong...." tumingin siya sa paligid bago lumapit sa akin at bumulong. "Yong lalaking palagi mong kinukwento?"



I don't think so.


I just shrugged my shoulder dahil hindi ko rin alam kung nando'n parin siya.


"Kapag nando'n nga siya sa La Celestria ay may posibilidad na magkita nga kayo," napatigil ako sa pagsubo ng cake. Hindi ko siya sinagot at uminom na lang ng tubig.


It's been seven years no'ng huli ko siyang nakita. I left without saying goodbye to him.



Hindi ako nagpaalam at wala rin akong sinabi sa kaniya na aalis ako. But I hope he understand.



Sa pitong taon na 'yon ay pag-aaral at pagtulong lang sa kompanya ang aking inatupag. Si Marco naman ay umuwi sa mansyon nila dito sa Manila. Siya narin ang nagmamanage ng kompanya nila.



While Kuya Sandro is now the CEO of our Company. Ako sana ang gagawing COO pero tinanggihan ko. Mas pinili kong maging Secretary ni Kuya dahil 'yon ang gusto ko.



Pero ngayon ay kumuha siya ng bagong Secretary dahil aalis ako at uuwi sa La Celestria. Pinatitignan sa'kin nina Mom at Dad ang mansyon namin do'n na kasalukuyang nirerenovate. Dad said na may tiwala naman daw siya sa Engineer na kinuha niya at konti lang naman ang irerenovate sa mansyon. Kaya hindi ko alam kung bakit kailangan pa ako do'n.




"Dumadami na ang customer mo. Baka gusto mong tumulong sa pag-seserve?" I sarcastically said. Winawala ko ang usapan.




Napatayo siya dahil sa sinabi ko."Oo nga pala. May trabaho pa ako," tumingin siya sa akin. "Kumanta ka na ro'n dahil maraming customer ang gustong marinig ang boses mo." Tinalikuran na niya ako para tumulong sa pag-seserve.



Tumayo naman ako at pumunta sa mini stage na nasa harap. Suggestion ko lang 'to noon kay Ate Xaijii pero hindi ko naman alam na seseryosohin niya pala. Nabigla na lang ako ng makitang pinalagyan nga niya ng mini stage. Nag rent siya ng banda at nag hire ng mga kakanta.




Umupo ako sa upuang nando'n. Tahimik lang na nakatingin sa akin ang mga taong kanina pa naghihintay na kumanta ako. Lumapit sa akin si Keint.



The Unstoppable Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon