Kabanata 36

53 2 0
                                    

'Official'










Kinaumagahan, pagkabukas ko ng pinto ng aking kwarto ay bumungad agad ang mukha ni Ninya sa labas. Nakangiti siya at parang naluluha na ewan. Nagulat na lamang ako ng bigla niya akong niyakap.



Dahil hindi ko alam ang gagawin ko ay niyakap ko na lang siya pabalik.



"Bakit Ninya? May problema ba?" I asked.





Umiling siya. Makalipas ang ilang segundo ay kumalas na siya sa yakap.






"Baka po kasi maisipan niyo na namang umalis. Niyakap po kita kasi baka hindi na kita mayakap pang muli kapag umuwi ka na sa Manila," she said.





"Hindi na ako aalis, Ninya. So, don't worry," I smiled. "Halika na. Bumaba na tayo," hinila ko siya pambaba sa sala.



Nang makababa kami sa sala ay agad kaming sinalubong ng masamang titig ni Manang.





"Ninya, linisin mo ang kwarto nina Senyor at Senyora," utos niya kay Ninya. Agad naman sumunod si Ninya sa pinag-uutos ni Manang sa kaniya. Muli siyang pumanhik sa taas at iniwan niyang kaming dalawa ni Manang sa sala.





Tumingin ulit ako kay Manang. Tinaasan niya ako ng kilay at pagalit na nagsalita. Siguro dahil sa nangyari kagabi.





"Pumunta ka na sa dining area. Kanina ka pa hinihintay ni Engineer Borromeo sa hapag," tumango agad ako.






Maglalakad na sana ako patungo sa dining area ngunit nagsalita ulit si Manang.





"Ayusin niyo ang dapat ayusin, hija," bilin niya bago ako iniwan sa sala.






Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang nagtungo sa dining area. Nang makita ako ni Lucas ay bigla siyang napaayos ng upo.



"Good morning," bati niya sa akin.





"Good morning," I smiled. Umupo na ako at pinasadahan ng tingin ang mga nakahain na pagkain sa lamesa. Fried rice, sunny side up, ham, and bacon. And may coffee narin sa tabi ng plato ko.




"Ako ang nagluto ng mga 'yan," he said proudly.



I looked at him. Nasa tapat ko lang siya habang nakatitig sa akin.




"Okay," maikling sabi ko. Sumandok na ako ng fried rice at kumuha narin ako ng bacon at ham. Habang siya ay nakatingin lamang sa akin.





Sumubo na ako. Nang mapansing hindi parin siya gumagalaw ay nagsalita ulit ako. "Kumain ka na."





"Masarap ba?" he asked. I raised my brow. First time niya bang magluto?





"Okay  naman," I said honestly. "Anyway, anong nangyari sa pag-uusap niyo kagabi ni Amelia?" I asked. Nagsisimula na rin siyang kumain.




"We're done."




Kumunot ang noo ko. "What do you mean?" I asked curiously.




"Tinapos ko na ang pagka-kaibigan naming dalawa kagabi," sabi niya na parang wala lang sa kaniya.




My eyes widened. "Oh my gosh. You should talk to her."






"What?"






"Tinapos mo kagabi ang pagka-kaibigan niyo ng gano'n-gano'n lang?" I asked.




The Unstoppable Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon