'Hatid Sundo'
"Gugupitin ko na ito habang nagsusulat ka. Para mamaya ay ididikit mo na lang," Jayrenne suggested.
"Okay," pag sang-ayon ko.
Kanina pa namin uwian ngunit nandito parin kaming dalawa sa loob ng classroom. Tinatapos ko na 'yong project na pinapagawa ni Ms. Romero. Mamayang 5:00 p.m. ang deadline nito kaya kanina pa ako nagmamadali. Nakita siguro ni Jayrenne ang pagkataranta ko kaya siya lumapit at nag-presintang tumulong.
Pumayag na ako dahil hindi ko naman 'to matatapos agad.'Tsaka, wala na naman siyang ginagawa kasi tapos na siya at naipasa na niya 'yong sa kan'ya.
"Bakit kasi nakalimutan mong ngayon ang deadline nito?" tanong niya sabay upo sa tabi ko.
"Kagabi ko sana gagawin kaso nakaidlip ako. Tapos nabigla na lang ako no'ng paggising ko ay umaga na," natatawa kong sabi. Wala rin kasi ako sa sarili kahapon dahil palaging sumasagi sa isip ko ang biglaang paghatid sa akin ni Lucas sa mansyon.
"Kaka-cellphone mo 'yan," napatigil ako dahil sa sinabi niya.
Dahan-dahan akong lumingon sa kaniya na abala sa ginagawa. "Alam nating dalawa na hindi ako mahilig mag-cellphone," I said habang nakatingin parin sa kaniya.
She just shrugged. "Hindi ka naniniwala?" tanong ko pa.
Tumingin siya sa akin. "Lahat nagbabago," she said.
Kahit nagtataka na ako sa inaasta niya ay ipinagpatuloy ko nalang ang aking ginagawa. May problema ba ang isang 'to? Parang may pinanghuhugutan, a.
Pagsapit ng alas-cuatro cuarenta y cinco ng hapon ay natapos din kami. Tinulungan ako ni Jayrenne sa pagliligpit ng mga gamit at paglinis ng mga basura na nasa sahig.
Nang natapos kami ay agad na kaming bumaba sa first floor para ipasa ang project ko.
"Si Ariel? Sasabay ba sa atin?" tanong ko sa kaniya habang naglalakad sa hallway patungong faculty.
"Ito nga," tinuro niya ang cellphone na hawak-hawak niya. "Tinext niya ako na hintayin daw natin siya sa labas ng faculty dahil tapos na ang practice nila," dugtong na wika niya.
Tumango naman ako. Nang nakarating na kami sa tapat ng pinto ay hinarap ko siya. "Ako na lang ang papasok. Hintayin niyo na lang ako dito sa labas ni Ariel," she just nodded.
Kumatok muna ako bago ipinihit pabukas ang doorknob. Pumasok na ako at dumiretso sa office ni Ms. Romero.
"Good afternoon po," I greeted her. Inayos niya ang kaniyang salamin sa mata bago tumingin sa akin.
"Yes, Ms. Villamor? How may I help you?" ngumiti siya sa akin kaya sinuklian ko 'yon ng napipilitang ngiti. I heard a lot about her. They said na istrikto daw siya at minsan lang ngumiti. Namamahiya daw ng estudyante sa klase at nambabato ng eraser.
"Ms. Villamor?" napakurap-kurap ako ng binanggit niya ang apelyido ko.
"Uhm, sorry po. Ipapasa ko lang po 'to," agad kong ibinigay sa kaniya ang project na ginawa ko.
"Mabuti at nakaabot ka pa sa oras," nakangiting aniya. Napatingin naman ako sa suot kong relo. It's already 4:57 P.M. Buti at nakaabot pa ako. "Okay na 'to, Ms. Villamor. You may go now."
BINABASA MO ANG
The Unstoppable Love
RomanceYung ang layo niyo na nga sa isa't isa pero pinipilit mo paring mapalapit sakanya. Yung alam mong mahirap siya pero nagawa mo pang makipagkaibigan sakan'ya. Hindi naman sa bawal pero bakit siya pa? Yung alam mong tatlong taon ang tanda niya sayo per...