Kabanata 34

36 2 0
                                    

'Singsing'











Napanatag ang loob ko dahil sa sinabi ni Cheska no'ng hapong 'yon.





Sumapit ang alas-nuebe ng gabi ay biglang tumunog ang cellphone ko. Bumangon ako at nakapikit matang kinuha ang cellphone sa sidetable ng kama. Kinusot-kusot ko ang aking mga mata gamit ang dalawa kong kamay. Pagkatapos ay dahan-dahan kong iminulat ang mga iyon. Tuluyang nawala ang antok ko nang makita ko kung sino ang tumatawag. And it's not just a call, it's a video call.






Umayos ako ng upo at tinignan ang sarili kung maayos ba ang aking suot. Naka t-shirt naman ako kaya okay lang. Huminga ako ng malalim bago tuluyang sinagot ang tawag ni Lucas.







["Hey."] bungad niya agad sa akin. Mukha niya lang ang nakikita sa camera pero sigurado akong nakahiga siya ngayon sa kaniyang kama.



I cleared my throat. "Hi."




["I miss you."] he smiled.



I miss you, too, but I won't tell you. "Nasaan ka?" I asked.




["Nasa Condo ko,"] he answered. So, may Condo pala siya sa Manila. ["Kumusta ang araw mo?"]






Napatigil ako dahil sa itinanong niya. Biglang sumagi sa isip ko ang mga nasagap kong tsismis kanina sa palengke tungkol sa kanilang dalawa ni Amelia.







I smiled at him. "Maayos naman. Ikaw, kumusta ang araw mo?"






["So far so good."] napansin kong inaantok na siya kaya nagsalita ulit ako.





"Inaantok ka na. May sasabihin ka pa ba sa akin?"






["Nothing. Gusto ko lang makita ka. Ikaw? May sasabihin ka ba sa akin? Or may itatanong ka ba?"]






Napaisip ako kung sasabihin ko ba ang tungkol sa mga tsismis na narinig ko kanina. Kung itatanong ko ba kung totoo bang Engaged sila ni Amelia.






Pero sabi ni Cheska ay hindi naman iyon totoo kaya umiling ako." Wala."






["Wala talaga?"] dagdag na tanong niya.





"Wala nga. Sige na. Ibaba mo na ang tawag at matulog ka na. Inaantok na rin kasi ako," I said.





["Ikaw na ang bumaba. Good night. I love you."]






I bit my lower lip. Pinipigilan ang sariling ngumiti. "Good night," agad kong pinatay ang tawag.







Oh my gosh. Hihiga na sana ako ngunit biglang tumunog ulit ang cellphone ko. Pagtingin ko ay may text message ako galing kay Lucas.





Engineer Borromeo :

Where's my 'I love you, too?'




Bumilis ang tibok ng puso ko.



Me:

Nandito sa La Celestria kaya umuwi ka na.





Reply ko sa kaniya. I don't want to say it over the phone. I want to say it to him personally.





Engineer Borromeo :

I will. Please be patient and wait for me. Alam ko naman na miss mo na rin ako.






The Unstoppable Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon