Kabanata 20

37 1 0
                                    

'Stalker'









Balik eskwela na ulit kami pagkatapos ng ilang buwang bakasyon.


Iba na ang uniform namin dahil senior high na kaming tatlo. Magkaklase kami ni Jayrenne. Si Ariel ay STEM ang kinuhang strand kaya nasa ibang classroom siya habang kami naman ni Jayrenne ay ABM.



"Ang iksi naman ng paldang 'to," reklamo ni Jayrenne habang naglalakad kami paakyat sa third floor.



"Hindi ka parin nasasanay?" I asked her. Halos mag-dadalawang buwan na kasi naming suot ang bagong uniporme.


Umiling siya. "Hindi parin," she answered. Nang makarating kami sa Classroom ay naunang pumasok si Jayrenne habang ako ay nakasunod lang sa kan'ya. Hindi kami magkatabi dahil naka-alphabetical order ang inassign sa aming upuan.



Ngumiti ako kay Lancelot na nakaupo sa likuran ko bago umupo sa inassign sa 'king upuan. Kaklase namin si Lancelot Olivarez na kapatid ni Leo. Hindi namin siya naging kaklase no'ng grade 10 dahil nasa section 2 siya.


Halos lahat ng Professor na pumasok sa amin ngayong umaga ay nag-lesson at nag pa-quiz lang. Then after that, the bell rang. It's a sign na tapos na ang klase at pwede ng kumain ng lunch.



"Okay. Class dismiss," our Professor said. "Goodbye, Class." kumaway siya sa amin bago tuluyang umalis.


Ipinasok ko sa bag ang ballpen at notebook ko bago lumapit kay Jayrenne na nagliligpit pa ng kan'yang gamit. Iniwan ko ang bag ko sa aking upuan. Ang tanging dala ko lang ay ang pitaka at cellphone ko.


"Hintayin raw natin si Ariel," she said. Kinuha niya ang wallet at cellphone niya sa loob ng kaniyang bag.


"Hindi mo din dadalhin ang bag mo?" tanong ko.


Umiling siya. "Ang bigat kasi."

I nodded. Lumabas na kami do'n at pumunta sa pinaka-dulong bahagi ng third floor. Nando'n kasi ang classroom ng STEM. Masyadong malayo sa classroom ng ABM.


Sumilip kami sa bintana. Wala na silang Prof. Siguro kanina pa umalis. Nakita namin si Ariel na nagliligpit ng mga gamit niya sa bag. Kinalabit siya ng kaniyang kaklase at tinuro ang kinaroroonan namin ni Jayrenne. Napalingon naman sa gawi namin si Ariel kaya napakaway kaming dalawa sa kaniya.


Hindi niya kami pinansin at ipinagpatuloy lang ang pag-aayos ng kaniyang mga gamit.


Suplado.


Lumabas na siya at lumapit sa amin.


"Dapat sa Cafeteria na lang kayo naghintay. Madami pa naman ditong lalaki sa amin," masungit na aniya.

Napatingin ako sa mga kaklase niyang hindi parin umaalis. Nakatayo lang sila habang nakatingin sa amin. Wala ba silang balak umalis? Or kumain? Hindi ba sila magugutom?


"Punta na tayo sa Cafeteria. Nagugutom na ako," malakas na pagkakasabi ni Jayrenne.

"Aalis na kayo Jairus?" tanong no'ng isang kaklase niya na kanina pa nakatitig sa akin. Sa akin nga ba?

"Yeah," mahinahong sagot ni Ariel.


"Pakilala mo muna ako," tumabi siya kay Ariel at humarap sa akin nang nakangiti. So, sa akin nga.


"Anong pangalan mo?" tanong niya sa akin.

"Tss," singhal ni Ariel. Halatang naiirita na.

The Unstoppable Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon