'Avoid'
Pinilit kong kalimutan ang nangyari no'ng nakaraang taon. Ngunit hindi parin talaga ako pinagbibigyan ng tadhana. Parang itinatak na ito sa aking isipan upang hindi ko na makalimutan pa.
Sa sumunod na taon kung kailan nasa Ika-sampung baitang na ako ay puro pag-aaral lang ang aking inatupag. Kaming tatlo ay palaging nasa library kapag break time. Minsan sumasama rin sa amin si Felix.
Kapag napapadaan sa school namin sina Marco ay palagi akong umiiwas sa kanila. Minsan lang rin kaming mag-usap ni Marco sa bahay kaya wala akong masyadong balita kay Lucas.
About sa business ang kinuhang course ni Marco at Engineering naman ang kay Lucas. Sa minsang pag-uusap namin ni Marco ay palagi siyang nagki-kwento kahit hindi ko naman siya tinatanong.
Mabilis lumipas ang araw. Natapos ang taong iyon ng masaya. Sama-sama kami nina Jayrenne na nag celebrate pagkatapos ng aming moving up.
Sumapit ang bakasyon namin. Halos araw-araw bumibisita sa aming bahay sina Jayrenne at Ariel.
Wala kaming ibang ginawa kun'di ang manood ng TV, kumain, magbasa ng libro, at matulog.
Tinawagan nila ako kaninang umaga na pupunta ulit sila dito sa bahay. Ang plano naman namin ngayon ay mag horse riding.
Sumang-ayon naman ako.Actually, nakabihis na ako at naghihintay na lang sa pagdating nila.
"Hija, nasa labas na ang mga kaibigan mo," agad akong napatayo dahil sa sinabi ni Manang.
Lumabas na ako para salubungin sila.
"Nagpaalam ba kayo sa parents niyo?" tanong ko nang makita silang dalawa. Nagulat ako ng makitang may kasamang guard si Jayrenne.
"Kung hindi ako nagpaalam e'di sana wala akong guard na kasama ngayon," Jayrenne said sarcastically.
Ngumiti na lang ako ng pilit sa guard na kasama niya. Ang bibig talaga ng babaeng 'to, napaka-pasmado.
"Nasaan ba ang kabayo niyo?" tanong ni Ariel, naiinip na.
"Nasa kuwadra. Sa likod ng bahay," sinenyasan ko sila na sumunod sa akin. Kasama rin namin si Alejandro na magsisilbing guard ko.
"Wow..." namamanghang wika ni Jayrenne. "Grabe, ang dami. Sa amin nga nasa pito lang."
"Ilan ang kabayo niyo?" tanong ni Ariel habang nakatitig sa isang kabayo na sa tingin ko'y pipiliin niya.
Napatingin ako kay Alejandro. "Ilan na ba sila Alejandro?" tanong ko.
"Nasa dalawampu, hija," sagot niya.
Mas lalong namangha si Jayrenne.
"Pumili na kayo," saad ko sa kanila. Hinayaan ko silang mamili do'n. Ibinigay sa akin ni Alejandro ang paborito kong kabayo na si Light.
Inalalayan niya ako na makasakay sa kabayo. Inayos ko ang sarili ko upang hindi ako mahulog.
Napatingin ako kina Jayrenne na inaalalayan ng aming mga tauhan na sumakay sa kabayo. Nang handa na ang lahat ay inutusan ko si Alejandro na buksan na ang daan patungo sa aming hacienda.
"Buksan niyo na," utos niya sa taga-bukas.
Nauna na si Ariel habang kaming dalawa ni Jayrenne ay nakasunod lang sa kaniya. Mukhang sanay na sanay si Ariel sa pagsakay sa kabayo dahil medyo mabilis ang pagpapatakbo niya rito. Kaming dalawa ni Jayrenne ay parehong may bantay na nakaalalay sa gilid namin.
BINABASA MO ANG
The Unstoppable Love
RomanceYung ang layo niyo na nga sa isa't isa pero pinipilit mo paring mapalapit sakanya. Yung alam mong mahirap siya pero nagawa mo pang makipagkaibigan sakan'ya. Hindi naman sa bawal pero bakit siya pa? Yung alam mong tatlong taon ang tanda niya sayo per...