Simula

190 12 5
                                    

***


"Bilisan mo lang," mariing sabi ni Jayrenne habang pinandidilataan niya ako ng kaniyang mga mata. 'Kita ko rin sa kaniyang mukha ang  pag-aalala at lungkot na baka masaktan na naman ulit ako.Pagod akong ngumiti sa kaniya.

"Salamat...J-jayrenne," sambit ko bago pumasok sa locker ng mga basketball player.

Tulad nga ng sinabi ni Jayrenne ay iniwan ko siya do'n para magbantay kung sakaling may paparating na estudyanteng papasok dito.

Dali-dali akong naglakad papasok. Huminto lang ako nang nasa tapat na ako ng locker ni Lucas. Inilabas ko sa aking bag ang huling liham ko para sa kaniya.

Nangingilid ang mga luha ko sa aking mata habang nakayuko at nakatingin sa mga letrang aking isinulat.

Dear Lucas,

Una sa lahat ay gusto kong humingi ng tawad. Hindi ko nais na guluhin ka araw-araw. Hindi ko nais na kulitin ka araw-araw. Hindi ko lang talaga kayang pigilan ang aking nararamdaman tulad ng iyong sinasabi. Siguro nga madali lang para sa iyo ngunit sa kagaya kong umiibig...
Ang hirap. Alam ko naman na hindi mo masusuklian ang nararamdaman ko. At matagal ko na ring tinanggap na wala ang pag-ibig mo sa akin. Na hindi mo ako magugustuhan. Pero kahit sabihing tanggap ko na, hindi ko parin kayang ihinto ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung kailan ito titigil at wala rin akong kasiguraduhan... kung titigil pa ba ito? Ngunit huwag kang mag-alala at huwag kang makonsensiya. Hindi mo kasalanan na umasa ako. Hindi mo rin kasalanan kung bakit nasasaktan ako. Dahil alam ko sa umpisa pa lang ay talo na ako.
Salamat kahit hindi mo masuklian ang nararamdaman ko. Salamat dahil napasaya mo ako kahit konting oras lang. At congrats din dahil magco-college kana. Sana maging successful ka pagdating ng araw. Hindi na tayo madalas magkikita kasi hindi na tayo pareho ng papasukan. Pero okay na 'yun. Kahit tanawin na lang kita mula sa malayo, okay na ako do'n kaysa mawala ka sa paningin ko.

Mag iingat ka palagi.

Nagmamahal,
Sashe Villamor

Umangat ang tingin ko sa locker ni Lucas at
malalim akong huminga bago napag-desisyonang ipasok sa maliit na siwang ang love letter para sa kaniya. Pinapangako kong huli na ito.

LAST NA ITO, LUCAS ELIEZER.

Ngunit may biglang humatak sa akin at pilit akong pinaharap sa gawi niya dahilan para mahulog ang love letter na ginawa ko. Hindi nawala ang paningin ko sa love letter na nasa sa sahig dahil sa kabang nararamdaman. Natatakot ako na baka mabasa niya ang mga nakasulat sa liham. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at akmang pupulutin ko na 'yon nang maunahan niya ako.

Napapikit ako ng mariin at hindi ko na maipaliwanag ang kabang nararamdaman. Natatakot akong ipagkalat niya ang tungkol sa liham. Pero nagtataka ako kung bakit may nakapasok dito gayong nasa labas si Jayrenne na nagbabantay. Unti-unti kong iminulat ang aking mata ngunit diretso lang sa sahig ang aking tingin.

Napalunok ako at dahan-dahang inangat ang paningin ko ngunit nahinto rin agad. Ang kabang nararamdaman ko kanina ay napalitan agad ng gulat nang mahagip ng paningin ko ang suot niyang jersey.

Umawang ang bibig ko nang tuluyan kong nakita ang mukha ni Lucas. Hindi makapaniwala at seryoso siyang nakatitig sa akin. Napalunok ulit ako nang mapagtantong bago siyang ligo. What the heck? All this freaking time ay nasa loob lang siya? Kailan ba ako pumalpak sa mga plano ko? Ngayon lang yata.

Saglit siyang tumingin sa akin bago tumingin sa love letter na ginawa ko. Nagtiim-bagang siya at mas nagulat ako ng bigla niyang pinunit sa apat na piraso ang papel na sinulatan ko. Nanlulumo akong napatingin do'n na unti-unting nahuhulog ulit sa sahig. Natulala ako at napakagat labi nalang para pigilan ang namumuong luha sa mata ko.

"Hindi ba't sinabi kong huwag mo na akong bibigyan ng ganito?" seryosong sambit niya habang nakatingin sa pinunit niyang papel. Hindi ko na napigilan ang mga luha kong nag-uunahan nang tumulo. Diretso akong nakatingin sa maamo niyang mukha. Alam ko namang hindi niya ako gusto at tanggap kong hindi niya ako magugustuhan. At tama, pinipilit ko lang ang sarili ko sa kaniya.

Panghuli na iyan, kaso pinunit mo.

Hindi ako sumagot sa kaniya at patuloy lang ang mahina kong pag-iyak.

"Alam nating dalawa na hindi ko ito matatanggap," mariin at seryosong sambit niya na ikinadurog ng damdamin ko. At ang masakit pa do'n ay ang katotohanang...

Alam ko nga. Alam ko,pero pinilit ko parin itong nararamdaman ko. Alam ko, pero siya parin ang gusto ko. At alam ko...na masasaktan ako.

Hindi ko na napigilang humagulhol. Ang sakit lang kasi na alam ko pero hindi man lang ako huminto. Masakit kasi nag-mukha akong tanga at inakalang gusto niya rin ako. Na may nararamdaman rin siya sa akin. Pero ang sakit lang kasi umasa ako,e.

Suminghot ako dahilan ng paglingon niya. Gulat ang nakita ko sa mukha niya.

"Sashe," hindi alam ang sasabihin.

Ngumiti ako ng mapait.

"Okay lang," sabi ko at napapikit ng mariin sa kaalamang pumiyok ako. Nagwawala rin ang utak ko dahil hindi matanggap ang lumabas sa bibig ko. "H-hindi mo naman kasa-lanan. At w-wala k-kang kasalanan. Tsaka h-huwag kang mag-alala. H-hindi na ako gagawa ng...L-love letter," malumanay na sabi ko habang pinupunasan ang mga luhang nag-uunahang tumulo. "Hindi narin tayo m-magkikita palagi kasi sa susunod na pasukan-" Nahihirapang sabi ko dahil hindi ko matanggap na hindi ko na siya makikita sa school namin. Hindi ko matanggap na hindi ko na siya makikitang mag-laro ng basketball. Makikita ko pa ba siya pagkatapos nito? Magkikita pa ba kami?

"College kana," mahinang dugtong ko.
Hindi ko na hinintay na magsalita siya. "Congrats nga pala," pahabol na sabi ko bago siya talikuran at diretsong tumingin sa pinto. Siguro nga hanggang dito nalang. Siguro nga hindi siya ang para sa akin.

Binuksan ko ang pinto at bago ako lumabas ay narinig ko mula sa bibig niya ang mga katagang...hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba.

"Hindi ko ito matatanggap dahil ... Ayaw ko sa katotohanang ikaw ang nanliligaw sa akin imbes na ako ang manligaw sa'yo."

The Unstoppable Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon