Kabanata 17

30 1 0
                                    

'Dagat'










Nang natapos ang araw na 'yon ay binalitaan ako ni Jayrenne tungkol sa mga nanalo sa singing contest kahit wala naman na akong pakialam. Nag first ang section namin. Champion naman daw ang grade 10.





Balik eskwela na ulit kami ngayon. Busy na ulit dahil malapit na ang finals. Kung noon ay nakikita ko minsan si Lucas, ngayon ay hindi na kahit ni isang beses. Bukod sa graduating  na siya ay halos araw araw na silang nag pa-practice dahil sa nalalapit na namang event.



Kalaban ng school namin 'yong paaralan sa kabilang bayan. Pupunta ang team nina Lucas do'n dahil do'n gaganapin ang nasabing laro. Last year na nila ito kaya pursigido sila sa pag-practice. Gusto nilang manalo dahil ito na ang huling laro nila na kasama sa team sina Lucas.



Once na grumaduate na si Lucas ay mapapalitan na ng bagong team captain ang grupo. So, it means, wala ng Lucas Eliezer Borromeo ang mag-i-exist  sa School na 'to. Parang nakakawalang gana kapag gano'n nga ang nangyari.



"Naka-review kana sa Filipino?" tanong ni Jayrenne nang mapansing ibang subject na ang ni-re-review ko. Nasa library kaming tatlo, tahimik na nag babasa.



Tumango lang ako kay Jayrenne bilang sagot. Napatingin ako kay Ariel na seryoso lang na nag babasa.



"Nawa'y lahat."



Nang malapit ng magsimula ang aming klase sa hapon ay niligpit na namin ang aming mga gamit. Nilagay ko sa bag ang mga libro at highlighter ko. Bumaba kami sa Second Floor at didiretso na sana sa classroom nang bigla kaming hinila ni Jayrenne patungong Cafeteria.



"Gutom ka na naman?" tanong ko kay Jayrenne habang bumibili ng pagkain.



Ngumiti lang siya sa akin. Napatingin naman ako kay Ariel na naka poker face.


"Halina kayo. Mali-late na tayo," wika ni Jayrenne habang puno ng pagkain ang bibig niya. Nauna na siya sa paglalakad at sumunod naman kami ni Ariel sa kaniya.



No'ng sumunod na araw ay sa library ulit kami tumambay. Hindi na pumasok si Sir Zac kaya lumabas na lang kaming tatlo sa room para makapag-review dito sa library. Hindi kami makakapag-concentrate kung do'n kami mag-re-review. Lalo na't halos lahat ng kaklase namin ay saksakan ng ingay.



Maraming tanong si Jayrenne na palagi namang sinasagot ni Ariel. Hindi ko na lang sila pinansin at nag-focus na lang sa pagre-review.




Araw ng lunes kung kailan finals na namin.
Pinaaga ng Principal ang exam dahil hindi ito pwedeng isabay sa araw kung kailan gaganapin ang laro nina Lucas sa kabilang bayan. For sure, maraming schoolmate namin ang sasama sakanila para manood. Kaya siguro pinaaga ng Principal ang examination.



"Kinakabahan ako," biglang nagsalita si Jayrenne. Nagsisimula ng mamigay ng test paper si Ma'am Glaida.



"You may start now," Ma'am Glaida announced.



Huminga ako ng malalim bago nagsimulang sumagot.


Tahimik na natapos ngayong araw ang aming klase. Bumili kaming tatlo ng tubig sa Cafeteria dahil para na kaming madi-dehydrate nang natapos ang exam namin.


Nakaupo kami ngayon sa bench chair na nasa gilid lang ng school. Nakatulala kaming tatlo habang nakatingin sa papalubog na araw.



Uminom ulit ako ng tubig dahil para akong masusuka.


The Unstoppable Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon