'Debut'
Halos hindi ko makalimutan ang nangyari no'ng pumunta ako sa bahay nina Lucas. 'Yon ang araw na hindi ko talaga makakalimutan.
First kiss ko? Ninakaw niya lang ng walang kahirap hirap. Aba! Hindi naman yata tama 'yon. Nasaan ang hustisya?!
Okay lang sana kung first kiss niya rin ako. Pero malay natin. Sige umasa ka pa Sashe.
Baka nga marami na siyang nahalikang babae. Katulad ni Zia at... Cheska.
Ugh! Nakakainis namang isipin na pati sila ay nahalikan na ni Lucas.
"Anak? Ba't gan'yan ang mukha mo? Napapansin ko na kanina ka pa nakabusangot." Napatingin ako kay Mama na pinupunasan na pala ang pawis sa noo ko.
Umiling ako. "Wala lang po 'to. Napagod lang po ako kasasayaw," palusot ko.
Marami pa siyang sinabi kaya nakinig lang ako.
Lahat kami ay abala dahil sa nalalapit na birthday ko. Busy ako sa pag practice at gano'n rin si Marco. Si Mama ay abala sa pag kausap sa organizer. Si Manang Josefina at ang ibang maid ay abala rin. Si Papa naman ay abala sa pagpapatakbo ng hacienda.
Hindi raw makakapunta si Kuya dahil siya ang naiwan sa maynila para mag manage ng kompanya pansamantala.
Lumipas ang mga araw na gano'n ang daily routine namin. Naiba lang ngayong araw.
"Hija, magpahinga na kayo ni Marco sa kwarto. Alam kong pagod kayo kaya dapat magpahinga na dahil bukas na ang birthday mo. At oo nga pala, bukas din ang alis natin so, dapat mag-impake na kayo ng mga damit niyo. If you need help, tumawag nalang kayo ng isang maid para tulungan kayo," she said.
Tumango lang ako.
May mga sinabi pa siya na hindi ko na nakuha pa dahil natulala na ako. The next thing I knew, tinalikuran niya na ako at iniwan do'n.
Umakyat na ako sa taas at dumiretso sa kwarto ni Marco. Akmang bubuksan ko na 'yon ngunit kumunot ang noo ko nang makitang sarado iyon kaya kumatok na lamang ako.
"Marco! Mag-impake ka na raw ng mga gamit!" sigaw ko ngunit walang sumagot.
Hinayaan ko na lamang siya at agad na pumanhik papasok sa kwarto.
Dumiretso ako sa CR para maligo.
Tomorrow is my 18th birthday. Pero hindi ko alam kung magiging masaya ba ako.
But I should be happy.
Pagkatapos kong maligo ay agad na akong nagbihis ng pantulog na damit. Pinatuyo ko muna ang buhok ko gamit ang blower bago humiga sa kama. Wala sa sariling tumingin ako sa maleta na nasa gilid lang ng kama ko. Kaninang umaga pa naka-impake ang mga gamit ko.
Huminga ako ng malalim at iniwas ang tingin do'n. Gusto ko lang munang maging masaya. Ayokong mag-isip ng kung ano-ano.
Dahil sa sobrang pagod ay agad nang nagsara ang talukap ng aking mga mata.
Nagising lang ako ng pumasok si Ninya sa kwarto ko. Dala-dala niya ang gown na susuotin ko.
"Hi Señorita! Isasabit ko lang po 'to dito," tumango lang ako sa kan'ya. Bumangon ako at tinignan ang oras sa cellphone ko. It's already 10:30.
BINABASA MO ANG
The Unstoppable Love
RomanceYung ang layo niyo na nga sa isa't isa pero pinipilit mo paring mapalapit sakanya. Yung alam mong mahirap siya pero nagawa mo pang makipagkaibigan sakan'ya. Hindi naman sa bawal pero bakit siya pa? Yung alam mong tatlong taon ang tanda niya sayo per...