'Parents'
Nagising ako dahil sa sunod sunod na katok sa pinto ng kwarto ko. Agad akong bumangon at naghilamos bago pinag-buksan ang kung sino man ang kumakatok sa pinto ko.
"Sorry. Nagising ba kita, Señorita?" tanong ni Ninya nang pag-buksan ko siya ng pinto.
I shook my head a little. "Okay lang."
"Bakit ka nga pala kumakatok? May problema ba?" nagtatakang tanong ko.
Umiling siya. "Wala naman, Señorita. Pinapatawag lang po kayo nina Senyor at Senyora dahil kakain na raw po kayo," banayad na wika niya.
Saglit akong napatigil. Pino-proseso ko pa sa aking isipan ang kaniyang sinabi.
"What did you say?" tanong ko dahil baka namali lang ako ng pag-kakarinig.
Ngumiti siya sa akin. "Naghihintay sayo sa hapag-kainan ang mga magulang mo,Señorita," malinaw na sabi niya.
Namilog ang mga mata ko.
"Anong oras sila dumating?" masayang tanong ko sa kan'ya.
"Mga alas nuebe po kagabi. Hindi ka na namin ginising dahil tulog ka na," sagot niya.
"Oh my gosh. Maliligo muna ako," natatarantang saad ko. Sinarahan ko siya ng pinto at hindi na hinintay pa ang kaniyang sasabihin.
Mabilis akong naligo at nagbihis. Pagkatapos ay inayos ko ang sarili ko sa harap ng salamin.
Nang makontento na ako sa aking ayos ay agad akong pumanhik pababa. Dumiretso ako sa dining room at nakita sina mama at papa. Nakaupo si Papa sa kabisera habang si Mama naman ay nakaupo sa kaliwang bahagi ni Papa.
Ngumiti si Mama sa akin. Nakipag-beso ako sa kanilang dalawa bago umupo sa harapan ni Mama.
"Dalaga na ang unica hija natin, Ashton," nakangiting sabi ni Mama.
"Kumusta po ang tulog niyo?" tanong ko.
"Don't worry, hija. Nakatulog kami ng maayos," sagot ni Papa.
"Si Kuya? Hindi niyo kasama?" tanong ko. Napatingin ako kay Ninya na nasa tabi ko lang pala. Sinalinan niya ang baso ko ng tubig. "Thank you," I mouthed at her. Ngumiti lamang siya.
"Hindi namin kasama ang kuya mo dahil masyado siyang busy sa pag-aaral," paliwanag ni Mama. "How about you? Kumusta ang pag-aaral mo dito?" nakita kong nilagyan niya ng kanin ang plato ni Papa.
"Okay naman po," I answered. Sunod niyang nilagyan ang plato ko na agad kong pinigilan. "Ako na po–"
"It's okay. Ako na," dahil mapilit siya ay pinabayaan ko na lang. "Wala ka bang klase ngayon."
I chuckled. "Sabado po ngayon, Ma."
"Oo nga pala. Sorry. Makakalimutin na ang Mama mo," natatawang aniya.
Nagsimula na kaming kumain.
"Wala ka bang itatanong sa anak mo, Ashton?" tanong ni Mama kay Papa. Napatingin naman sa akin si Papa.
He cleared his throat. Kinabahan tuloy ako. "May nanliligaw na ba sayo?"
Pareho kaming napatigil ni Mama. Nagkatinginan kami pagkatapos ay mapanukso niya akong tinignan.
BINABASA MO ANG
The Unstoppable Love
RomanceYung ang layo niyo na nga sa isa't isa pero pinipilit mo paring mapalapit sakanya. Yung alam mong mahirap siya pero nagawa mo pang makipagkaibigan sakan'ya. Hindi naman sa bawal pero bakit siya pa? Yung alam mong tatlong taon ang tanda niya sayo per...