Kabanata 33

33 1 0
                                    

'Engaged'











Mga alas-cuatro y media ng hapon ay nakatanggap ako ng text message. Binuksan ko 'yon at binasa.




Unknown number:

Kararating ko lang sa Manila.

-Lucas






I was about to type a reply but I realized something. Saan niya nakuha ang number ko? Wala naman akong naaalalang ibinigay ko sa kaniya ang cellphone number ko kaya sino at saan niya nakuha ang number ko?




Me:

Saan mo nakuha ang number ko?

Engineer Borromeo :

?




Aba? Nireplyan lang ako ng question mark?





Pumunta ako sa dining room dahil nauuhaw ako. Lumapit ako refrigerator at binuksan 'yon. Kumuha ako ng tubig at isinalin sa malinis na baso.




Me:

Seryoso ako ngayon Lucas. Saan mo nga nakuha ang number ko? Sumagot ka ng maayos!





Ininom ko ang tubig na isinalin ko sa baso pagkatapos ay pabagsak kong ibinaba iyon sa lababo.




Engineer Borromeo :

Kay Marco.





Oh? Nag-uusap pa pala sila ni Marco? Bakit parang wala namang na-i-kwento sa akin ang pinsan ko?




Bumalik ako sa sala at naupo sa Sofa. Napagdesisyunan kong tawagan si Lucas ngunit naka-ilang ring na ay hindi parin niya sinasagot ang aking tawag. Siguro may ginawa lang.






Kinagabihan ay wala parin akong natatanggap na text galing kay Lucas. Tinawagan ko ulit ngunit naka-off na ang kaniyang cellphone. Hanggang sumapit ang umaga ay hindi parin siya nagpaparamdam sa akin. Siguro busy siya sa inaasikaso niya sa Manila.





Bumangon ako sa kama at diretsong pumasok sa bathroom. Mabilis akong naligo at nagpalit ng damit. Pagkatapos ay lumabas na ako sa bathroom. Inayos ko ang aking buhok at nag lagay ng konting make-up. Then, humarap na ako sa malaking salamin na naroon at pinagmasdan ang aking sarili.





I was wearing a floral dress paired with flat sandals. Nang matapos ako sa pag-aayos sa aking sarili ay lumabas na ako ng kwarto at bumaba sa sala.





Hindi ko nakita sina Ninya at Manang kaya dumiretso na lamang ako sa dining room. Pagkapasok ko ay naabutan ko si Manang na inaayos ang hapagkainan. Ngumiti siya sa akin nang makita ako.





"Magandang umaga, hija. Tamang tama, kakatapos ko lang magluto ng pagkain. Halika ka na rito at kumain."




"Magandang umaga rin po sainyo,Manang," bati ko sa kaniya. Lumapit ako sa lamesa at umupo sa dati kong pwesto.





"Nasaan po si Ninya?" tanong ko habang nilalagyan ng kanin ang aking plato.





"Inutusan kong pumunta sa sentro," sagot niya.






"Kumain na po ba kayo?"





"Oo. Kumain na kami ni Ninya kanina pa," she answered. Tumango ako at nagsimula ng kumain. "Tawagin mo nalang ako kapag may kailangan ka, hija. May gagawin lang ako sa sala."






The Unstoppable Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon