'Old House'
Nakalipas na ang limang araw ay wala paring Lucas ang nagpakita sa akin. Hindi ko na rin matanong si Cheska tungkol kay Lucas dahil baka kung ano pang isipin niya.
Dahil kaninang umaga pa ako nababagot dito sa mansyon ay may naisip akong plano. Wala rin naman kasi akong maisip na gawin dahil parang nagawa ko narin naman lahat.
So, I decided na pupunta na lang ako ngayon sa bahay nina Lucas. Limang araw na rin ang lumipas at sa mga araw na iyon ay hindi man lang siya nagpakita. Pagkatapos niyang sabihing mahal niya ako? Bigla na lang hindi magpapakita? Hindi ba siya nag-aalala sa akin? Halos hindi ako makatulog dahil sa kakaisip kung seryoso ba siya sa sinabi niyang 'yon. Tsaka,curious rin ako kung ano na ang itsura ng kanilang bahay ngayon. Siguro naman maraming nagbago lalo na't Engineer na si Lucas.
Umakyat ako sa kwarto para maligo. Pagkatapos ay pinili kong suotin ang yellow dress na minsan ko lang sinusuot. Hinayaan kong nakalugay ang buhok ko. Nag lagay rin ako ng light make-up sa mukha then sinuot ko na ang flat sandals ko.
Bumaba ako at diretsong tumungo sa kitchen para mag-paalam kay Manang.
Nakita kong may hinihiwa siyang gulay kaya hindi niya agad naramdaman ang prisensiya ko. Tumikhim ako dahilan ng paglingon niya sa akin.
"Oh, hija? Saan ka pupunta at bihis na bihis ka?" tanong niya. Iniwan na muna niya ang kaniyang ginagawa at nagtungo sa sink para maghugas ng kamay. Pagkatapos ay pinunasan niya ang kaniyang kamay gamit ang malinis na basahan.
"Bibisitahin ko lang po si Engineer sa bahay nila." sagot ko nang humarap na siya sa akin.
Kumunot ang noo niya at nagtatakang tumingin sa akin.
"Bakit mo naman siya naisipang bisitahin?" she raised her brow.
"Uhm, may pag-uusapan lang kami tungkol sa renovation," mariin kong kinagat ang aking labi dahil sa sinabing kasinungalingan.
"Gano'n ba?" tanong niya. Hindi parin kumbinsido sa sinagot ko.
"Opo. 'Tsaka, hindi lang naman po siya ang bibisitahin ko ro'n. Gusto ko rin po kasing..uhm...tignan ang kalagayan ng magu–pamilya niya," ngumiti ako. Sana naman gumana lahat ng palusot ko.
"O siya. Hindi narin naman kita mapipigilan pa dahil bihis na bihis ka na. Sige na. Basta mag-iingat ka, ah," bilin niya.
I nodded.
Halos mapatalon ako sa tuwa sa sinabi siya. Pinigilan ko lamang ang aking sarili dahil kung ano pang isipin niya.
"Kayo na po muna ang bahala rito," tumango siya. "Alis na po ako," paalam ko at tumango lang ulit siya sa akin.
Agad akong lumabas ng mansyon at nagtungo sa garahe. Binuksan ko ang kotse ko at agad na binuhay ang makina. Pinaandar ko 'yon palabas sa nakabukas na gate namin.
Naisipan kong pumunta na muna sa sentro bago dumiretso sa kanila. I want to buy a cake. Nakakahiya naman kung pupunta ako ro'n ng walang dala.
Nang makarating ako sa sentro ay agad akong humanap ng shop na mabibilhan ng cake. Natagalan pa ako sa paghahanap dahil nasa dulo pa pala ng sentro ang bilihan ng cake.
Ipinark ko ang kotse ko sa parking space bago bumaba ng sasakyan. Agad akong nag lakad patungo sa shop na nakita ko kanina bago ako nag-park.
BINABASA MO ANG
The Unstoppable Love
RomanceYung ang layo niyo na nga sa isa't isa pero pinipilit mo paring mapalapit sakanya. Yung alam mong mahirap siya pero nagawa mo pang makipagkaibigan sakan'ya. Hindi naman sa bawal pero bakit siya pa? Yung alam mong tatlong taon ang tanda niya sayo per...