'Unang Pagkikita'
"Sashe! Bilisan mo! Dadaan dito 'yong crush ko!" kinikilig na sigaw ni Jayrenne kaya dali-dali akong napatayo mula sa pagkaka-upo. Sumunod ako sa kaniya sa may pinto ng room namin na hindi na madaanan dahil sa nagsi-siksikang mga kaklase ko. Hinila ako ni Jayrenne patungo sa pinaka-unahan kung saan siya nakapuwesto para makita ko ang sinasabi niya. Hindi na ako magtataka kung sakaling basketball player ang crush niya. Halos 'yon kasi ang palaging pinag-uusapan ng mga estudyante rito.
Tumingin rin ako kung saan sila nakatingin. Nakipag-siksikan narin ako para lang makita ang sinasabi ni Jayrenne. Mahirap na at baka hindi ko makita ang tinutukoy niya. Masasayang lang ang pagkakataon na ito kung hindi ko man lang masisilayan ang lalaking hinahangaan niya.
Hindi rin nagtagal ay may nakita na akong limang lalaki na dadaan nga dito sa tapat ng room namin at hindi ako nagkamali sa hula ko. Si Marco at ang kaniyang mga kaklaseng kapwa niya basketball player ang padaan dito. Kaniya-kaniyang sigawan ang maririnig mo sa hallway galing sa mga babaeng nagkaka-gusto sa kanila.
"Ang gwapo talaga ni Lucas!"
"Leo! Pansinin mo naman ako!"
"Sh*t! Tumingin sakin si Jaxson!"
"Gwapo parin si Van kahit seryoso."
"Kinindatan ako ni Marco! Nakita niyo 'yon?"
Kahit kailan ay hindi ako kinulang sa aruga kung kaya't nasa tama pa akong pag-iisip. Hindi rin ako napabayaan ng aking mga magulang kung kaya't wala sa isip ko ang sumigaw katulad ng ginagawa nila.
Totoo ba itong nakikita at naririnig ko? Gan'yan ba talaga dapat kiligin ang mga babae? Gan'yan ba talaga ang dapat gawin para mapansin ka ng taong gusto mo?
Halos mapa-ngiwi ako dahil sa mga naririnig ko mula sa bibig nila. Hindi ba sila nahihiya sa mga pinagsasabi nila? Hindi ba nila alam na ang babata pa nila? Grade 7 pa lang kami pero itong mga kaklase ko ay halos himatayin na dahil sa sobrang kilig.
Pinapaasa lang nila ang kanilang mga sarili.
"Nakatingin sayo si Marco," hindi maka paniwalang sabi ni Jayrenne at tinuro pa ang sarili ko. Napakunot ako ng noo at inilipat ang tingin kay Marco na naglalakad habang nakatingin sa akin. Nang makita niyang tumingin ako ay ngumiti lang siya sa akin.
Baliw kong pinsan.
At ito namang bestfriend ko ay parang problemado pa dahil sa ginawa ni Marco.
"Bakit? Anong problema kung tumingin siya sa akin?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya. Nanlulumong napatingin sa akin si Jayrenne na parang may nagawa akong kasalanan.
"Ngumiti pa siya sayo," sambit niya. "Tapos sa 'kin hindi niya man lang nagawang ngumiti. Hindi man lang ako nahagip ng kaniyang paningin," malungkot na dugtong niya.
"Tumingin naman sayo 'yong isa," sabi ko para pagaanin ang kaniyang pakiramdam. Tinutukoy ko 'yong isang ka-team ni Marco. Leo siguro ang pangalan. Hindi ko naman kasi sila kilala sa pangalan, sa mukha lang. At 'tsaka... tanging si Lucas lang at ang pinsan ko ang kilala ko sa kanila.
"Si Marco ang crush ko sa kanilang lima," sambit niya na ikinaawang ng bibig ko dahil sa gulat. Oh! My! Gosh! All this freaking time? Pinsan ko ang tinutukoy niya? Seryoso ba ito? What the heck? Bakit pinsan ko?
BINABASA MO ANG
The Unstoppable Love
RomanceYung ang layo niyo na nga sa isa't isa pero pinipilit mo paring mapalapit sakanya. Yung alam mong mahirap siya pero nagawa mo pang makipagkaibigan sakan'ya. Hindi naman sa bawal pero bakit siya pa? Yung alam mong tatlong taon ang tanda niya sayo per...