'Kiss'
Nakita kong sumunod si Lucas sa akin. Nang makapasok na kami sa Mansiyon ay bigla niya akong hinila papasok sa loob ng sala. Naabutan namin do'n si Ninya na naka-upo sa isang sofa at kakatapos lang magbalat ng mangga.
"Nandito na pala kayo, Señorita. Ito nga pala 'yong mangga na kinuha raw ni Kai," agad siyang tumayo para paupuin kami. "Maupo po kayo." Tinuro niya ang mahabang sofa na inupuan niya kanina.
Medyo nagulat pa ako nang umupo ro'n si Lucas.
"Hindi ba sinabi kong umuwi ka na?" I asked as I looked at him.
Tumingin siya kay Ninya na nakatayo parin do'n at pinagmamasdan ang mga kilos namin ni Lucas.
"Iwan mo muna kami," seryosong utos niya kay Ninya.
Napaayos ng tayo si Ninya at diretsong tumingin sa akin. "Iwan mo muna kami, Ninya," I ordered.
She nodded. "Sige po."
Mabilis niya kaming tinalikuran. Nang makita kong nakapasok na si Ninya sa dining room ay muli akong humarap kay Engineer Borromeo.
Tinaasan ko siya ng kilay at walang imik na tinitigan siya ng diretso sa kaniyang mga mata.
"Galit ka?" he asked.
I smirked sarcastically. "Obvious ba?"
Sinong hindi magagalit sa sinabi niya kanina? Ako? Pagsasabayin sila ni Kai? Pinagbintangan pa akong two-timer? Hello? I'm Shaniah Ashera Villamor for pete's sake!
"Alam mo, kung wala ka namang sasabihin," tinuro ko ang pintuan namin. "Bukas ang pinto kaya makakaalis ka na."
Pagkatapos kong sabihin iyon sa kan'ya ay tinalikuran ko siya at mabilis na umakyat sa taas. Diretso akong naglakad papasok sa aking kwarto. Akmang sasaraduhin ko na ang pinto ngunit agad iyong naitulak pabukas ni Lucas. And the next thing I knew, nakapasok na siya sa aking kwarto. Nakita kong mabilis niyang inikot ang kaniyang paningin sa buong kwarto ko.
Oh my gosh? The hell?!
"Shaniah–" tinakpan ko agad ang kaniyang bibig. Napatigil naman siya dahil sa ginawa ko.
"Huwag kang maingay. Baka marinig ka ni Manang," I whispered. "Bakit ka ba kasi pumasok? Oh my gosh! Kailangan mo ng lumabas. Kapag nagtagal ka pa rito ay malalagot ako kay Manang," tinanggal ko ang kamay ko sa bibig niya at itinulak siya paharap sa pinto ng kwarto ko. Akmang bubuksan ko na ang pinto ngunit pinigilan niya ang kamay ko gamit ang magaspang niyang mga kamay. Inilayo niya ako sa pinto at halos bumilog ang mata ko nang makitang sinarado niya iyon. What the hell?
"What the f*ck?" mahinang bulong ko. "Bakit mo sinarado?" I asked.
"We need to talk," mariing aniya.
"Buksan mo ang pinto." Akmang lalapit na ako sa pinto ngunit hinarangan niya ako.
Napatingin ako sa kaniya na seryoso lang na nakatitig sa akin. "We need to talk first."
"Ano ba ang pag-uusapan natin?" I asked as I raised my brow.
Pinaupo niya ako sa kama ko habang siya nakatayo lang sa harapan ko.
BINABASA MO ANG
The Unstoppable Love
RomanceYung ang layo niyo na nga sa isa't isa pero pinipilit mo paring mapalapit sakanya. Yung alam mong mahirap siya pero nagawa mo pang makipagkaibigan sakan'ya. Hindi naman sa bawal pero bakit siya pa? Yung alam mong tatlong taon ang tanda niya sayo per...