Kabanata 27

38 1 0
                                    

'La Celestria'













Maaga akong nagising kahit parang napuyat ako kagabi. Pesteng Lucas! Hindi na nga ako pinatulog agad, ginawa pa akong stalker!





Dahil hindi ko nakalimutan ang ginawa ko kagabi ay hindi naging maganda ang gising ko. Bumangon ako at dumiretso sa bathroom para maligo. Pagkatapos kong gawin ang lahat ng kailangan kong gawin sa loob ng bathroom ay lumabas na ako para makapag-bihis. Pinili kong isuot ang malaking t-shirt ko at maiksing shorts. Sa probinsya lang naman ako pupunta kaya bakit pa ako mag-eeffort? Tsaka, maganda naman ako kahit anong isuot ko.





Tinignan ko ang repleksyon ko sa salaming nasa harapan ko. Okay narin naman ang suot ko. Maliban na lamang sa labi kong kanina pa naka-busangot.




Hanggang sa makababa ako sa sala ay hindi ko parin magawang ngumiti.



"Nasaan sina Mama't Papa?" malamig na tanong ko sa isang maid na naroon. Nakita ko sa kaniyang mga mata ang takot dahil sa inasta ko. "Pasensiya na. Masama lang ang gising ko," ngumiti ako sa kaniya.





Inikot ko ang aking paningin sa loob ng mans'yon at kumunot muli ang noo ko nang hindi ko makita sina Mama at Papa. Nasaan ba ang dalawang 'yon?




"M-maaga pong umalis, Ma'am," nauutal na sagot niya. Napahilot ako sa sentido ko dahil sa sinabi niya. Seryoso? Nakalimutan ba nila na ngayon ang alis ko? Ang galing. Ang galing galing galing.





"Sabihin mo sa kanila na umalis na ako kapag naka-uwi na sila mamaya," utos ko. Tumango lang siya.





Lumabas na ako at diretsong nagtungo sa kotse ko. Hinintay kong maipasok nang mga maid ang maleta ko sa compartment ng kotse.





"Ako na," sabi ko nang akmang isasarado na nila 'yon. Umalis na sila do'n at agad naman akong pumalit. Isinarado ko 'yon at nagtungo na harapang bahagi ng Mercedes-Benz.





Papasok na sana ako sa loob ng biglang lumapit ang bagong mayordoma namin sa akin.






"Bilin po ni Ma'am Shaina na mag-iingat po kayo. Huwag daw masyadong mabilis ang pagpapatakbo mo dahil mahirap na at baka ma-aksidente ka," banayad na wika niya. Tumango lang ako at agad ng pumasok sa loob ng sasakyan. Sinimulan ko nang paandarin ito.





Naka bukas ang gate kaya hindi na ako nahirapang ilabas ang kotse. Pinaharurot ko ng mabilis ang sasakyan. S'yempre hindi ko susundin ang binilin ni Mama. Sa pitong taon namin dito sa Manila ay natuto akong mag 'no' sa parents ko. Sinusuway ko ang mga utos nila ng hindi nila nalalaman.





I smiled evilly.



Pero huwag niyo kong gagayahin dahil masama parin 'yon.




Tatlong oras ang byahe mula Manila patungong La Celestria. I checked my watch, it's already 8 o'clock in the morning. So, probably, 11 o'clock ako makakarating do'n. Pero kaya ko 'yong gawing 10:30. Lalo na't hindi ako kumain ng almusal.


Binilisan ko lalo ang pagmamaneho. Nakikinig lang ako sa kantang pinatutugtog ko para hindi ako ma-bored sa byahe. Saktong alas diez ay nakarating ako sa La Celestria. Napatingin ako dagat na kahit malayo ay kitang-kita ang ganda nito. Walang pinagbago. Malinis at mapayapa parin itong tignan.





At dahil nando'n ang atensyon ko ay hindi ko namalayan na may mabubunggo na pala akong tricycle. Napa-preno ako ng wala sa oras. Oh my gosh!




The Unstoppable Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon