'Yes'
Mariin akong napapikit nang mapansin ang mabagal na pagpapatakbo ni Ariel ng sasakyan. Seriously? It's already 3:20 p.m. pero nandito parin kami sa Manila. Hindi kami makausad dahil sa traffic. Dumagdag pa 'tong si Ariel. Ang bagal magpatakbo.
"Hindi mo ba bibilisan?" I asked.
"Paano? E, traffic nga. Kita mo 'yang sasakyan sa unahan natin? Kapag binilisan ko ang pagpapatakbo sa sasakyan, mabubunggo tayo. At kapag nangyari 'yon, malilintikan ako kay Lucas," he said.
"Alam ko. Hindi ako bobo," mataray na sabi.
"Hindi ka bobo kasi pangit ka."
Masama ko siyang tinignan. "Hindi ikaw ang kinakausap ko.'Yong kotse sa labas. Ang pangit ng kulay," mga palusot niyang bulok.
"Whatever," inirapan ko siya.
Nakahinga ako ng maluwag ng tuluyan na kaming nakaalis sa Manila. Naisip kong tawagan si Lucas dahil wala parin akong natatanggap na text mula sa kaniya.
"Hello," sabi ko ng sagutin niya ang tawag. It's already 5 o'clock in the afternoon. Medyo malayo pa kami sa La Celestria dahil sa traffic kanina.
["Hi."]
"Nasa La Celestria ka na ba?" I asked. Napatingin ako kay Ariel na diretsong nakatingin lang sa kalsada.
["Oo. Kanina pa. Kayo, nasaan na kayo?"]
"Medyo malayo pa kami," sagot ko.
["Mabuti kung gano'n,"]bulong niya na hindi ko masyadong naintindihan.
"Ha?"
["Sabi ko, mag-ingat kayo sa byahe,"] tumango-tango ako kahit hindi naman niya ako nakikita. ["Gusto kong maka-usap si Ariel."]
Napalingon ulit ako kay Ariel na wala paring pakialam. "Sure," ibinigay ko kay Ariel ang cellphone.
"Ano 'yan?" kunot noo na tanong niya sa akin.
"Bobo ka ba o bulag? Nakita mo ng cellphone tapos itatanong mo sa akin kung ano 'to?"
"Kanina ka pa, ah. Bakit parang kasalanan ko? Nagtanong lang naman," dahan-dahan niyang kinuha ang cellphone gamit ang kaliwang kamay. Habang ang kanang kamay niya naman ay nakahawak sa manibela.
"Gusto mo raw akong maka-usap?" rinig kong sabi ni Ariel. Hindi ko naririnig ang sinasabi ni Lucas dahil hindi naka loud speaker ang cellphone ko. Kaya wala akong naintindihan sa pinag-uusapan nila. "Sige. Oo. Ako ng bahala."
Pinatay na ni Ariel ang tawag at agad na isinauli ang cellphone sa akin.
"Anong sinabi niya sa'yo?" I asked curiously.
Ngumisi siya sa akin. "Secret."
"Kanina ka pa nang-iinis," bulalas ko.
"Ikaw nga, kanina pa masama ang tingin mo sa akin. Nagreklamo ba ako?" giit niya.
"Ang bobo mo talaga," inirapan ko siya.
BINABASA MO ANG
The Unstoppable Love
RomanceYung ang layo niyo na nga sa isa't isa pero pinipilit mo paring mapalapit sakanya. Yung alam mong mahirap siya pero nagawa mo pang makipagkaibigan sakan'ya. Hindi naman sa bawal pero bakit siya pa? Yung alam mong tatlong taon ang tanda niya sayo per...