Kabanata 2

80 6 1
                                    

'His name'















No'ng mag grade 8 student ako ay naging magka-klase ulit kami nina Jayrenne at Ariel. Hindi na talaga yata kami mapaghihiwalay na tatlo. Wala namang nawala sa pagkatao ko no'ng grade 7 ako. Matataas lahat ng grades ko kaya section 1 parin at hindi rin ako nawala sa mga list ng Top students. Pero nagising nalang ako isang araw na parang..... may MALI.

"Jayrenne, bilisan mong maglakad. Late na tayo sa next subject natin," mariing sambit ko sa bestfriend kong mabagal maglakad. Kanina pa iyan tulala simula no'ng makita niyang may kasamang babae si Marco.

"Sinabi ko naman kasi sa'yo na huwag ka ng umasa pa kay Marco. Paulit-ulit kong sinasabi sayo na ibaling mo nalang ang atensyon mo sa ibang bagay o gawain. Katulad ng pag-aaral. O kaya naman ay ibaling mo nalang 'yang nararamdaman mo sa iba," mahabang litanya ko.

Ngunit hindi man lang siya nag-abalang sumagot sa sinabi ko. Para akong tanga dito na nagsasalita ng kung ano-ano. Tapos hindi niya man lang ako sinagot. Para na akong baliw na kinakausap ang hangin.

Katatapos lang namin mag-exam kahapon at ngayon malalaman ang score na nakuha namin.

Nakarating kami sa classroom namin at buti nalang ay nakatalikod si Ms. Reyes sa gawi namin kaya nakapasok kami nang hindi napapagalitan. Buti rin dahil tahimik lang at hindi naisipang magsu-sumbong ng mga pabida naming kaklase.

Umupo ako sa upuan ko na katabi ni Ariel, ang bestfriend ko. Sumunod namang umupo si Jayrenne sa tabi ko.

"Oh, hindi ka magtatanong kung bakit kami late?" bulong ko kay Ariel na naka-poker face.

"Mamaya ka na manggulo. Baka buong araw akong pa-english-in ni ma'am. 'Tsaka ayaw kong mag sayang ng laway," pabulong niyang sagot. Ngumiti ako sa kaniya. Ayaw magsayang ng laway pero nag-effort pang kausapin ako.

Anyway, si Ms. Reyes ang teacher namin sa English. Strict na teacher pero mabait. Kapag nakakakita siya  ng estudyanteng maingay, dalawa lang ang kaniyang ginagawa. Papalabasin ka sa klase o di kaya naman ay papa-english-in ka buong araw.

Nakita kong humarap sa amin si Ms. Reyes.

"Again, good afternoon students specially to  those who are late," mariing sambit ni Ms. Reyes habang nakangiti. Hindi naman siya sa amin nakatingin pero parang kami ang pina-riringgan niya. Akala ko ba hindi niya kami nakita? May third eye ba si Ma'am? "I'm here to announce about the results of your examination yesterday," Ms. Reyes said. Lahat kami ay natahimik nang isa-isa niya kaming tawagin.  Syempre, magsisimula sa boys kaya kaming mga girls ay pinapakalma muna ang sarili para kapag mababa ang nakuha namin... Hindi kami magwawala. Don't panick at chill lang dapat tayo.

"Jairus Ariel Ramirez," biglang tumayo si Ariel sa tabi ko nang marinig ang kaniyang pangalan. Lumapit siya kay ma'am para kunin ang test paper niya. May sinabi muna si Ma'am sa kaniya bago bumalik sa tabi ko.  Nakasimangot siyang umupo sa puwesto niya.

"Bakit nakasimangot ka?" tanong ko. Nakita ko ring nakasimangot si Jayrenne sa gilid ko. Anong problema ng mga 'to?

Hindi ako sinagot ni Ariel. Bagkus ay ibinigay niya sa akin ang kaniyang test paper.

"Anong problema mo sa 48 over 50? Ang taas nga ng nakuha mo," sabi ko nang makita ang score niya.

"Hindi ko na perfect," simpleng sagot niya na ikinataas ng kilay ko.

"Hindi ka pa ba nakokontento sa mga grades mong ang tataas at ang hirap-hirap  abutin?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Ipapaalala ko lang sayo kung sakaling nakalimutan mo. Ang bestfriend kong si Jairus Ariel Ramirez ang top 1 no'ng Grade 7 kami.  At ngayong Grade 8 ay nakapasok kami sa Section Amethyst which is Section 1," dugtong ko. Nakangiti ko siyang hinarap ngunit wala man lang siyang karea-reaksiyon. Wow, nag-effort pa ako. Nagsayang lang ako ng laway.

The Unstoppable Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon