Kabanata 12

43 0 0
                                    

'A Grade-9 student'










"Sashe!" pasigaw na tawag sa akin ni Marco.



"Oo na! Nand'yan na!" sigaw na sagot ko at mabilis na lumabas ng bahay. Nang makalapit ako sa sasakyan namin ay agad akong pinagbuksan ng pinto ni Alejandro. Pumasok naman ako at tumabi kay Marco na nakabusangot.



Si Kuya Sandro ay pumunta sa Manila kasama sina Mom at Dad dahil 'dun na siya magkokolehiyo. Hindi ko naman alam kung kailan sina mommy babalik.



That's why kami lang dalawa ni Marco ang naiwan sa bahay. Maliban sa mga maids, driver, at guard ay wala na kaming ibang kasama.



"Ang bagal mo," reklamo niya ng makapasok ako."Kapag ako na-late, hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sayo," dugtong niya pa. Inirapan ko siya.




"7 A.M. palang po. Kung sakali mang nakalimutan mo, pareho pong 7:30 a.m.  ang first class natin," sambit ko ngunit tumahimik na lang siya at hindi na ako kinausap.




"Jayrenne!" sigaw ko nang nakarating na kami sa School. Nakita ko siyang papasok pa lang  sa gate. Napahinto naman siya at napatingin sa kinaroroonan ko. Kakaway na sana siya ngunit hindi na niya naituloy dahil napadako ang tingin niya sa pinsan ko na kabababa palang sa sasakyan. Seryoso siyang nakatingin sa kung saan.





"Mauna na ako sayo. Baka ma-late pa ako," I said sarcastically. Hindi ko na hinintay pa ang kaniyang sagot at mabilis na lumapit kay Jayrenne na naghihintay sa akin.





Sabay kaming pumasok sa School. Nang makapasok sa building ay agad kaming umakyat sa second floor kung nasaan ang room ng mga grade-9.





Ganito kasi 'yon, Sa First (1st) floor– (Room ng mga grade 7 at 8, nando'n rin ang Principal Office, Faculty,Registrar, Guidance Office at Accounting.)



Second (2nd)Floor – ( Classroom ng mga grade 9 at 10, nando'n 'rin ang  gymnasium, at Cafeteria.)



Third (3rd) Floor–( Classroom ng mga Senior High School [11 & 12], nasa Floor ding iyon ang Computer Lab. at Library.



And last, the rooftop. Kung saan pwede kang tumambay. Kaso nga lang iitim ang kulay mo kapag umakyat ka at nagtagal do'n. Alam niyo na, kapag mainit ang panahon.



Agad naming hinanap ang magiging classroom namin.



"Sashe!" napabaling ang tingin namin kay Ariel na kalalabas pa lang sa isang Classroom. "Dito ang section 1," sabay turo sa room na nilabasan niya.




Sabay kaming pumasok ni Jayrenne sa loob habang si Ariel naman ay nakasunod lang sa likod namin. Nakita ko ang bag ni Ariel kung kaya't lumapit kami do'n para tumabi sa kaniya. Mabuti nalang wala pang nakaupo sa tabi ni Ariel. Tumabi naman sa 'kin si Jayrenne na nasa tabi ng bintana. So, bale napapagitnaan nila akong dalawa.




Napatingin ako kay Felix na nakaupo sa likod lang namin katabi ang mag kambal na sina Angel at Aqualenne. Ngumiti lang siya sa'kin kaya tinanguan ko siya bilang tugon.




Napatingin ako kay Jasmine na kumaway pa sa'kin habang nakangiti. Anong klaseng kaluluwa ang sumapi sa kaniya? Ba't parang biglang bumait? Nginitian ko nalang siya ng pilit. Nagulat lang ako sa inasta niya.




Ibinaling ko na lang ang atensyon ko kay Ariel na nakaupo na sa tabi ko.



"Kayo na ba?" bigla namang natigilan si Ariel dahil sa itinanong ko.



The Unstoppable Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon