Kabanata 14

37 0 0
                                    

'Classroom Secretary'










"Ms. Villamor?" agad akong napatingin kay Ms. Reyes. Ang English teacher namin.


"Yes, Ma'am?"


"Kung maaari, pakibigay ng mga ito sa kabilang section," naka poker face na utos niya.



Agad akong tumayo at hinatak si Jayrenne na may pagtataka sa mukha. Kinuha ko ang dalawang libro na nasa table ni Ma'am na pinabibigay niya sa kabilang section.



"Isasama ko po si Jayrenne, Ma'am," nakangiti kong paalam kay Ms. Reyes. Tumango lang siya bilang tugon at pinagpatuloy na ang pagsusulat sa board.




"Ba't kasama ako? E, ibibigay mo lang naman 'yan sa kabilang section. Hindi mo ba kayang mag-isa?" reklamo ni Jayrenne habang hinahatak ko siya palabas ng room.




"Pwede ba, manahimik ka na lang."



Nang nasa pinto na kami ng kabilang section ay agad akong kumatok sa pinto para makuha ang atensyon ng mga estudyanteng nagkakagulo. Wala akong nakikitang nagtuturo sa kanila kaya nag-assume ako na walang pumasok na Teacher sa room nila.



"What? Anong kailangan niyo?" mataray tanong ng isang babae na hindi ko kilala.



"Who's the Class President here?" tanong ko sa kaniya ng may ngiti sa labi.


"Hindi mo kilala?" tanong nung isang babae na may mahabang buhok.


Aba! Tinanong pa ako. Malamang hindi ko kilala. Taga kabilang section kami.


"Uhm, Sorry? Hindi ko kasi talaga kilala. Pwede ba siyang ma kilala?" tanong ko.


"Hi! I'm Monica Moran. And I am the Class President," may biglang sumabat sa pag-uusap namin. Isang babae na masasabi kong maganda.


"Hi. I'm Shaniah Ashera Villamor and this is my bestfriend, Jayrenne Faye Garcia," pakilala ko sa kaniya. "And we're here because pinabibigay ito ni Ms. Reyes sa section na ito. So, sayo ko ito ibibigay kasi ikaw ang Class President," agad kong ibinigay sa kaniya ang dalawang libro na hawak ko. Tulala niya namang Kinuha iyon.



"Villamor ka?" tanong niya.


"Y-yup," sagot ko.


"Kaano-ano mo si Marco Villamor Gonzales?" tanong niya.


"P-pinsan ko. Bakit?" tanong ko pabalik.



"Uhm, w-wala. Makakaalis na kayo," Tumango naman ako at hinatak si Jayrenne  patungo sa Locker ng mga basketball player.



"Sashe, hindi dito ang daan pabalik sa classroom. Saan ba tayo pupunta. Baka mapagalitan tayo ni Ms. Reyes. Ayokong mapa-English buong mag hapon," reklamo ni Jayrenne habang tinatahak namin ang daan patungo sa Locker Room. Agad ko siyang hinatak papasok doon. "Oh my gosh! Anong gagawin natin dito? At bakit tayo nandito?" natatarantang tanong niya. "Sashe, alam mo ba kung nasaan tayo?"



Tumango ako. "Alam ko," pinakita ko sa kaniya ang love letter na hawak ko.


"Ano 'yan?" nakakunot noong tanong niya.

Inirapan ko siya. "Obvious naman na love letter, 'di ba?" I answered sarcastically.


"Kanino galing?" tanong niya. "Alam mo bang delikado ang pumasok dito? Alam mo bang bawal ang babae dito kasi..."


The Unstoppable Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon