'The Last Letter'
Halos sabay kaming dumating ni Jayrenne rito sa School kanina. Nasa cafeteria kami at kumakain ng lunch. Konti lang ang tao dahil halos lahat ay pumunta sa kabilang bayan para manood ng laro.
Hinihintay kong matapos si Jayrenne sa kan'yang pagkain nang bigla kong nakita si Sir Zac na papalapit sa amin. Napakunot ang noo ko. Iniisip kung kulang ba ang librong naihatid ko kanina sa kaniya.
"Hi Sir," I greeted him.
"Wala naman kayong gagawin, 'di ba?" tanong niya sa aming dalawa ni Jayrenne. Napatigil sa pagkain si Jayrenne at bigla kaming nagkatinginan.
"Wala naman po, Sir. Bakit po?" Jayrenne asked. Pinagpatuloy na ulit niya ang kaniyang pagkain.
"Pwede bang pakilinis muna 'yong classroom niyo bago kayo umuwi?" tanong ni Sir sa amin.
Tumango ako."Sige po. Lilinisin po namin," agarang sagot ko.
"Salamat, hija," ngumiti siya sa amin. "Mauna na ako sainyo," he tapped me on my shoulder.
Tumango lang ako. No'ng nakaalis na siya ay agad akong sinipa ni Jayrenne sa ilalim ng table. Napatingin ako sa kan'ya na kakatapos lang kumain.
"Bakit?" nagtatakang tanong ko.
"Ba't ka pumayag?" mariing tanong niya.
"Hindi ba dapat?" tanong ko pabalik.
"Unbelievable," she whispered.
She then looked at me with dismayed in her eyes.
"Tara na nga at masimulan na natin ang paglilinis," padabog siyang tumayo at naglakad palabas ng Cafeteria. Habang ako naman ay nakasunod lang sa kaniya.
Nang makapasok kami sa classroom ay nag simula na kaming linisin 'yon. Nag walis muna ako ng sahig bago tinulungan si Jayrenne sa paglalampaso.
"Hindi na ako magtataka kong mabalitaan ng parents ko na ang unica hija nila ay taga lampaso lang ng sahig sa paaralang ito," rinig kong reklamo niya. Well, kanina pa 'yan gan'yan.
Nagsasalita ng walang kausap.
Alas tres kami natapos sa paglilinis. Nakaupo si Jayrenne sa isang upuan na malayo sa inuupuan ko. Nagpapahinga siya habang nakatutok ang kaniyang sarili sa electric fan.
Binuksan ko ang aking bag para sana maghanap ng panyong pamunas sa pawis ko ngunit iba ang aking nadampot.
So, nahanap ito ni Ninya?
Inangat ko ang love letter na nadampot ko sa loob ng aking bag. Mabuti at hindi nagusot 'to.
"What's that?" napatayo ako dahil sa biglaang tanong ni Jayrenne. Akmang ibabalik ko na ang letter sa loob ng aking bag ngunit huli na ang lahat. Nakita na niya kung ano ang hawak hawak ko.
Dismayado siyang tumingin sa akin.
"A love letter.... Again?" she asked incredulously.Inayos ko ang mga gamit sa aking bag para maiwasan ang titig niya.
"Pwede bang samahan mo ko ulit sa locker room?" tanong ko. Binalewala ang kaniyang sinabi. Ipinasok ko sa bag ang love letter bago muling tumingin sa kaniya.
"Shaniah," kita ko sa mga mata niya ang hindi pag sang-ayon sa gagawin ko.
"Huli na 'to," pagpipilit ko sa kaniya. "Please."
BINABASA MO ANG
The Unstoppable Love
RomanceYung ang layo niyo na nga sa isa't isa pero pinipilit mo paring mapalapit sakanya. Yung alam mong mahirap siya pero nagawa mo pang makipagkaibigan sakan'ya. Hindi naman sa bawal pero bakit siya pa? Yung alam mong tatlong taon ang tanda niya sayo per...