'Suitor'
Katatapos pa lang ng finals namin ngayong araw. Halos lahat sa amin ay alas sinco na natapos dahil sa dami ng tanong na kailangang ipaliwanag ang sagot.
Matapos kong iligpit ang aking mga gamit ay agad akong lumapit kay Jayrenne. Kumunot ang noo ko ng makitang namumutla ang kaniyang mukha at parang lalagnatin pa.
I was about to say something pero nagulat nalang ako ng hila-hila na niya ako patungo sa restroom. Nang makapasok kami ay agad siyang pumasok sa isang cubicle.
Sumunod ako sa kaniya. Namilog ang mga mata ko ng makitang sumusuka siya.
Nag-aalala akong lumapit sa kan'ya at hinagod ang likod niya.
"Shit! Okay ka lang? May masakit ba sayo?" sunod sunod na tanong ko.
Umiling lamang siya. Biglang may pumasok na ideya sa utak ko. Hindi ko alam kung tama ba ang hinala ko pero...
"Are you pregnant?" bulong ko dahil baka may makarinig sa amin.
Napalayo ako sa kan'ya nang tumayo siya. Lumingon siya sa akin at masama akong tinignan.
"I'm not," nanghihinang sagot niya.
Nilagpasan niya ako at dumiretso sa lababo. Binuksan niya ang faucet sabay hilamos ng kan'yang mukha. Nagmumog rin siya at pagkatapos ay hinarap ako.
"Hindi ako buntis, okay. Ganito lang ako kapag sobrang kinakabahan," paliwanag niya. Napatango ako.
Lumabas na siya ng restroom kaya sumunod naman ako sa kaniya.
"Bakit ka kinakabahan?" I asked curiously.
Naglakad kami pabalik sa classroom."Finals natin ngayon. Kaya natural lang na kabahan ako," sagot niya.
Pumasok siya sa classroom namin para kunin ang naiwang bag.
"Hindi ka ba talaga buntis?" tanong ko pa.
"Hindi nga," nang makuha niya ang kan'yang bag ay agad na kaming naglakad pababa sa first floor.
"Nand'yan na ba ang sundo mo?" tanong ko habang naglalakad kami sa pathway patungo sa Gate.
"Oo. Ikaw? Sinong susundo sayo? Si Lucas ba?" balik na tanong niya.
I shook my head. "Hindi. Busy 'yon ngayon. Magpapasundo na lang ako kay Alejandro," sagot ko.
Nang makalabas kami ay agad na siyang nagpaalam sa akin. "O siya. Mauna na ako sayo. Huwag mong kakalimutan na bigyan kami ni Ariel ng invitation, a," paalala niya.
"Oo na. Sinabihan ko na sina Mama't Papa kaya 'wag ka nang mag-alala," tumango lang siya bago tuluyang pumasok sa kanilang SUV.
Kanina ko pa tinext si Alejandro na sunduin ako kaya malamang ay malapit na 'yon dito. Hindi nga ako nagka-mali dahil makalipas lang ang ilang minuto ay nakita ko na ang aming sasakyan.
Huminto ang SUV namin sa tapat ng waiting area kung nasaan ako. Bumaba si Alejandro at pinag buksan ako ng pinto. Agad naman akong sumakay at inayos ang seatbelt.
Sumapit ang katapusan ng Marso kung kailan naganap ang Moving Up namin. Masaya kaming tatlo nina Jayrenne at Ariel dahil pare-pareho kaming nakasali sa mga naging honors.
BINABASA MO ANG
The Unstoppable Love
RomanceYung ang layo niyo na nga sa isa't isa pero pinipilit mo paring mapalapit sakanya. Yung alam mong mahirap siya pero nagawa mo pang makipagkaibigan sakan'ya. Hindi naman sa bawal pero bakit siya pa? Yung alam mong tatlong taon ang tanda niya sayo per...