'Nasa kaniya lang pala'
Pareho kaming tahimik ni Jayrenne habang naglalakad patungo sa bench chair na hinihintayan namin.
"Iyon ba 'yong babae na pinag kakaabalahan ni Ariel?" Hindi ko na napigilan ang sarili kong magsalita kahit alam ko na naman ang sagot.
Hindi na namin nakita pa si Ariel hanggang sa matapos ang lunch time. Hindi na siya nagpakita sa amin matapos ang pangyayaring iyon. Nagulat nga kami ni Jayrenne nang hindi siya pumasok kanina sa klase. Si Ariel kasi 'yong tao na ayaw umabsent.
Pareho kaming tulala ni Jayrenne at nag-iisip.
"Hindi ko alam. Hindi ko naman 'yon kilala," sagot ni Jayrenne.
"Ang weird nga, kasi pamilyar sa akin 'yong mukha no'ng babae. Hindi ko lang talaga maalala," sambit ko na ikinatango niya lang. Ang galing mong umacting, Sashe.
"Itanong na lang natin kay Ariel. Siguro naman, sasagutin tayo no'n."
Napatango nalang ako sa sinabi niya.
Nang makarating kami sa bench chair na palaging inuupuan namin ay agad akong naupo do'n. Ngunit nagtaka ako nang makita si Jayrenne na nakatayo lang sa harap ko.
"Nandya'n na 'yong sundo ko," sabi niya. Napatingin naman ako sa SUV nila na nasa labas ng School namin.
"Bakit palaging maaga kang sinusundo ng driver mo? " nakakunot noong tanong ko.
"Only child kasi," sambit naman niya. Oo nga pala. Siya nga pala ang unica hija ng mga Garcia. "Pa'no ba 'yan, maiiwan ka na naman dito," dugtong niya.
"Mabuti na lang sinanay mo 'ko," tugon ko sa kaniya nang nakangiti.
"Seryoso ako," inirapan niya ako. "Alis na ako, ingat ka," paalam niya. Humakbang na siya paalis ngunit rinig ko parin ang malakas niyang boses.
"Ingat sila sa akin." Humarap siya at sinamaan niya lang ako ng tingin. "Oo na, ingat ka rin," nakangiting sambit ko. Nagpatuloy na siya sa paglalakad hanggang sa nawala na siya sa paningin ko.
Makalipas ang ilang minuto, nakita ko narin si Alejandro na papalapit sa akin ngunit sinenyasan ko siya na huminto dahil ako na ang lalapit sa kinaroroonan niya.
"Kumusta ang date niyo kahapon, Mang Alejandro? Masaya ba?" tanong ko agad sa kaniya.
"Alejandro nga kasi," pagtama niya sa itinawag ko sa kaniya. "Matanda na ba ako sa iyong paningin?" tanong niya na ikinangiwi ko.
"Kahit kailan ay hindi ka naging bata sa aking paningin, Mang Alejandro," nakangisi kong sambit sa kaniya.
"Hindi ka pa'rin talaga nagbabagong bata ka," umiling iling siya. Napangiwi naman ako dahil sa sinabi niya.
"Sashe po ang itawag niyo sa akin kasi 13 na ako," reklamo ko sa kaniya.
"Alejandro ang itawag mo sa akin kasi 34 palang ang edad ko."
"Umuwi na nga po tayo. Masyadong nakakapagod ang araw na ito," I said sabay hila sa kaniya patungo sa SUV na naka park malapit sa amin.
BINABASA MO ANG
The Unstoppable Love
RomanceYung ang layo niyo na nga sa isa't isa pero pinipilit mo paring mapalapit sakanya. Yung alam mong mahirap siya pero nagawa mo pang makipagkaibigan sakan'ya. Hindi naman sa bawal pero bakit siya pa? Yung alam mong tatlong taon ang tanda niya sayo per...