'Unexpected'
Napatayo ako nang makita si Ariel na nasa harapan na namin.
"Oh my gosh," niyakap ko siya ngunit mabilis din kaming pinaghiwalay ni Lucas.
Pinaupo ko si Ariel sa tabi ko habang nasa harapan naman namin si Lucas na masama na ang tingin sa akin.
"Kumusta ka na? Si Jayrenne? Nagkaka-usap pa ba kayo?" sunod-sunod na tanong ko. Hindi ko pinansin ang malamig na titig sa akin ni Lucas.
"Okay lang ako. Minsan lang kami magka-usap ni Jayrenne. Alam mo na, palaging busy 'yon."
"Alam mo ba kung ano ang pinagkakaabalahan niya?" tanong ko.
"Hindi, e."
"Bakit ka nandito? May kasama ka ba?" I asked. Inilibot ko ang aking tingin sa buong Café para tignan kung may kasama ba siya. Ngunit nang wala akong makita ay muli kong ibinalik ang tingin sa kaniya.
"Wala. Tinawagan ako ni Kuya Lucas na pumunta raw dito dahil ano–" I cut him off.
"Pinapunta ka ni Lucas dito?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Pinalipat-lipat ko ang tingin ko sa kanilang dalawa.
"Oo. Hindi niya ba sinabi sa'yo?" Ariel asked.
I shook my head.
Napatingin kami kay Lucas nang tumayo ito. Sumenyas siya kay Ariel na tumayo rin ito kaya tumayo rin si Ariel na nasa tabi ko.
"Dito ka. Palit tayo," utos ni Lucas.
"Sure," agarang tugon ni Ariel.
Nagpalit sila ng upuan. Nasa tabi ko na si Lucas at ang kaharap na namin ay si Ariel na nakangisi. "Nagkabalikan pala kayo?"
"Hindi naman naging kami noon," I said casually.
"Bakit naman kasi hindi mo sinagot itong si Sashe, Kuya Lucas?"
Sinipa ko ang paa ni Ariel sa ilalim ng lamesa. "Aray!" biglang sigaw ni Ariel.
"Anong nangyari?" tanong ni Lucas sa kaniya.
Pinandilatan ko ng mata si Ariel. Tumawa lang siya kay Lucas. "Okay lang ako. May kumagat lang na langgam sa paa ko."
"Ahh," tila hindi kumbinsido si Lucas sa palusot ni Ariel. Tumango-tango na lang si Lucas sa kaharap namin.
"Uuwi kami ngayon sa La Celestria," biglang sabi ko.
Tumingin siya sa amin. "Ahh! Oo, sinabi sa akin ni Kuya Lucas."
Ako naman ngayon ang tumango. So, nagkaka-usap parin pala sila.
"Call me Lucas. Alisin mo na 'yong 'Kuya'," Lucas said. Ubos na niyang kainin ang cake na inorder namin.
"Hindi ka ba kakain?" tanong ko kay Ariel nang mapagtanto kong wala pa siyang pagkain na ino-order.
BINABASA MO ANG
The Unstoppable Love
RomanceYung ang layo niyo na nga sa isa't isa pero pinipilit mo paring mapalapit sakanya. Yung alam mong mahirap siya pero nagawa mo pang makipagkaibigan sakan'ya. Hindi naman sa bawal pero bakit siya pa? Yung alam mong tatlong taon ang tanda niya sayo per...