Kabanata 4

68 3 0
                                    

'Practice'














"Late na ba ako?" tanong ko kay Felix nang makapasok ako sa gymnasium. Martes ngayon at dapat may pasok pero dahil sa Huwebes na magsisimula ang intrams ay kailangan na ng mga contestants mag-practice. Medyo late na nga ako kasi hindi ako ginising ng maaga ni Marco. Hindi na kami nagkasabayan na umalis dahil sa ibang lugar siya magpa-practice ng basketball kasama ang mga ka-team niya.

Sina Jayrenne at Ariel ay hindi ko pa nakita simula no'ng pumasok ako sa paaralang ito. May practice narin kasi sila kaya baka ngayon ay busy na sila katulad ko.

"Hindi naman. Wala pa nga 'yong magtuturo sa atin," sagot ni Felix habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa.

"Bakit? May problema ba sa suot ko?" tanong ko nang nakakunot ang noo. Nakasuot ako ngayon ng white dress paired with flat sandals. Nakalugay rin ang buhok ko at may konting kolorete ang mukha.

Umiling agad siya na parang nagpa-panick. "Wala. Walang p-problema sa suot mo," sabi niya at sinasabi nga ng ulo niya na wala talagang problema sa suot ko dahil halata sa bilis ng pag-iling niya. "Bagay sayo. M-maganda," dugtong niya.

Magsasalita pa sana ako ngunit hindi natuloy nang biglang may nagbigay ng bottled water sa harap mismo ng mukha ko. Pareho kaming nagulat ni Felix dahil do'n. Napatingin ako sa taong may hawak no'n at halos mapanganga ako nang makita si Kuya Sandro na seryosong nakatingin kay Felix.

"Bakit ka nandito?" nagtatakang tanong ko bago kinuha sa kaniyang kamay ang tubig. Napatingin siya sa akin nang nakakunot ang kaniyang noo. "Kasali ka rin ba sa pageant?" dugtong na tanong ko.

"Sino 'to? Manliligaw mo?" tanong niya na ikinabigla ko. Kung may iniinom lang akong tubig malamang naibuga ko na sa mukha niya.

"What the hell? Of course not!" pagtanggi ko. "His name is Felix Tolalian. Kaklase ko," paliwanag ko.

"Bakit nandito?" tanong niya na parang siya pa ang tatay ko. Si daddy nga walang pakealam sa mga lalaking lumalapit sa 'kin. Pinagbawalan niya lang akong magka-boyfriend hangga't  hindi pa ako 18.

Tapos ito namang si Kuya ang daming tinatanong. Dinaig pa ang imbestigador. 'Yong totoo? Sino ba sa kanila ang tatay ko?

"Because he's my partner?" I said sarcastically. "It's obvious naman kuya," sabi ko at inirapan siya.

"Bakit mo ko inirapan?" seryoso niyang tanong.

"Do'n ka na nga lang sa partner mo kung kasali ka rin sa pageant na ito," naiiritang sabi ko at pinagtulakan siya paalis. Nang makita kong umupo siya sa tabi ng isang babae ay agad akong humarap kay Felix.

"Pasens'ya na sa nangyari," nahihiya kong sabi.

"Okay lang," maikling sabi niya.

Inilibot ko ang aking paningin sa buong gymnasium at napansin kong halos kompleto na ang mga sasali sa Mr. & Ms. Intrams. Nakita ko rin na lahat ng babae ay nakasuot ng dress at heels. Ang mga lalaki naman ay naka long sleeve at black pants.

12 kaming lahat na sasali. Lahat ng grade level ay may tig-dadalawang kalahok (babae at lalaki). Section 1 lang ang maaaring sumali kung kaya't kung gusto mong makasali sa mga ganitong event ay dapat na sikapin mo munang makapasok sa section 1. Ganoon ang rules sa paaralang ito.

Ibabalik ko na sana ang tingin kay Felix nang mahagip ng paningin ko si Lucas na seryosong nakatitig sa akin. Halos kilabutan ako ng magtama ang mga paningin namin. Naka-upo siya sa bench chair at katabi niya naman si Zia na kinaka-usap siya. Napalunok ako at napaiwas ng tingin.

The Unstoppable Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon