Kabanata 13

35 1 2
                                    

'Ang Unang Liham'













So, kay Lucas ko ibibigay 'to? As in, kay Lucas Eliezer Borromeo?


Ay, hindi tuloy Sashe. Hindi.
Rinig mo naman siguro  kanina 'yong sinabi ni Sir, 'di ba?


Hayyy!



"Ate," napabaling ang tingin ko sa babaeng tumawag sa akin. "Uhm, may nagpapabigay po nito," agad niyang nilagay sa kamay ko ang isang papel na kulay pula.



"Kani–" Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil bigla na lang siyang tumakbo paalis.



Ang weird niya.



Kunot noo kong binuksan ang papel na hawak ko. Kanino ba 'to galing?



Dear Sashe,

Pasensiya na kung lagi kitang iniiwan. Hindi ko naman sinasadya. Promise, simula bukas sabay na ulit tayong papasok sa School. Sana huwag mo 'kong ipasusuntok sa kuya mo. Palaging mong tatandaan na sa lahat ng pinsan mo, ako ang pinaka-gwapo.

Ang pinaka-gwapo sa lahat,
Marco Gonzales



Akala ko kung sino na. Galing lang pala sa mahangin kong pinsan na si Marco.


Agad ko iyong tinupi at nilagay sa bag ko. Isasara ko na sana ang zipper ngunit napatigil ako ng may maalala. Hinalungkat ko ang bag ko para kunin ang love letter na ginawa ko. Oo, gumawa nga ako ng love letter para kay Lucas. Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit. Pero s'yempre, hindi ko nilagyan ng pangalan. Ano ako? Tanga?



Once na lagyan ko 'to ng pangalan, malalaman niya na may gusto ako sa kaniya. So, parang nag-confess lang ako ng feelings sa kaniya which is hindi mangyayari at never na mangyayari.



Nanginginig ang kamay ko habang isinisiksik ko 'yon sa isa  sa mga librong hawak ko na pagmamay-ari ni Lucas. Hayy, para akong gumagawa  ng isang krimen.



"Di ba kay Lucas 'yan," halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ko ang boses ni Leo na nakatayo sa aking harapan habang nakatingin sa mga librong hawak hawak ko.
Grabe, para akong aatakehin sa puso dahil sa biglaang niyang pagsulpot sa harap ko.




"Ha?" wala sa sariling sabi ko. Pilit akong ngumiti nang makabawi ako sa pagkagulat. Inayos ko muna ang sarili ko bago sinagot ang kaniyang tanong. "Ahh, oo. Kay Lucas nga 'to. Bilin kasi ni Sir Zac na ibigay ko daw kay Lucas." Tumango lang siya. "Anyway, alam mo ba kung nasa'n siya?"




"Nasa gymnasium. Mag-isang nagpa-practice. Sige, mauna na ako," paalam niya at wala sa sariling napatango ako sa sinabi niya. Inayos ko ulit ang aking sarili dahil parang saglit akong nawalan ng kaluluwa. Hindi rin ako mapakali dahil baka nakita ni Leo 'yong ginawa kong paglagay ng love letter sa libro ni Lucas.



Sana naman hindi.


Agad naman akong umakyat sa second floor nang mawala na siya sa paningin ko. Huminto muna ako sa tapat ng pintuan ng gymnasium para I-check kung maayos ba ang pagkakalagay ko nung love letter sa libro ni Lucas. Tinignan ko kung tago ba talaga ang pagkakalagay ko. Kung hindi ba  agad makikita once na ibigay ko na 'to sa kaniya.



Malalim akong huminga ng makitang nasa maayos na kalagayan ang liham. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at dahil wala parin ako sa katinuan ay namalayan ko nalang ang sarili ko na humahakbang papasok sa loob ng gymnasium. Agad kong nakita si Lucas na nasa court na pawisan habang nagdi-dribble ng bola.




The Unstoppable Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon