'Horse Riding'
Kinaumagahan ay nagising ako dahil sa maingay na tunog na nagmumula sa labas. Siguro, nagsisimula na sina Lucas sa pagtatrabaho.
Kanina pa ako nakahilata dito sa kama habang masamang tinititigan ang kisame ng kwarto ko. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa kaiisip kung bakit pumunta ng Manila si Lucas. Kung anong ginawa niya do'n at kung bakit napunta siya sa Café ni Ate Xaijii.
Ginulo ko ang aking buhok. Mababaliw na siguro ako kaiisip!
Kinuha ko ang relo ko sa sidetable ng kama. Bumusangot ako ng makitang alas-otso y media palang ng umaga. Kulang ako sa tulog!
Dahil naiirita na ako sa ingay ay padabog akong bumangon. Tumayo ako at dumiretso sa bathroom para maligo. I did my morning routine for about 1 hour.
Nang matapos na ako sa lahat ay bumaba na ako at nagtungo sa dining room para mag-almusal.
Naabutan ko si Ninya na katatapos lang ilagay sa lamesa ang prinitong hotdog at ham.
"Kain na po, Señorita." Tumango ako at umupo sa upuang nakalaan sa akin. Sinalinan niya ng tubig ang baso ko habang ako naman ay naglalagay ng kanin sa aking plato. Kumuha ako ng tig-isang ham at hotdog.
Napatingin ako sa isinandok kong kanin. I think mga limang subo ko lang 'to. I'm on a diet, anyway.
"Nand'yan na ba si Luc-Engineer Borromeo?" tanong ko kay Ninya. Tapos na siya sa pag salin ng tubig sa baso ko.
"Kanina pa po."
"Mga anong oras?" dagdag na tanong ko habang kumakain.
Nang hindi siya sumagot ay umangat ang tingin ko sa kaniya. Nakangisi lamang siya sa akin kaya tinaasan ko siya ng isang kilay.
"What?" kunot noong tanong ko.
"May gusto ka parin ba sa kaniya hanggang ngayon, Señorita?" walang prenong tanong niya.
Nanlaki ang mga mata ko. Tinignan ko kung may tao bang naroon maliban sa amin. Nang masiguradong wala ay tumayo ako at mabilis na tinakpan ang bibig niya gamit ang aking kamay.
"Baka may makarinig sayo," bulong ko.
"So, mer-on ka p-pang fee-lings sa k-kan-ya?" paputol-putol na tanong niya.
Natahimik ako dahil hindi ko alam kung anong isasagot ko. Maybe? Ugh! I don't f*cking know! Ang alam ko lang ay tumitibok parin ang puso ko kapag nakikita ko siya. O kaya naman kapag naiisip ko siya. Alam ko rin sa sarili ko na itong nararamdaman ko para sa kaniya ay paniguradong hindi na hihinto pa.
Ugh! I don't know! Pati ako naguguluhan na.
"Anong nangyayari dito?" agad kong naitanggal ang kamay ko sa bibig ni Ninya nang makita si Manang na papasok sa dining room.
"Kanina pa po ba kayo d'yan?" kinakabahang tanong ko.
"Kararating ko lang, hija. Bakit?" tanong niya.
Huminga ako ng malalim bago umiling. "Wala naman po."
Pinandilatan ko si Ninya nang tuluyan ng umalis si Manang ngunit ngumisi lamang siya.
BINABASA MO ANG
The Unstoppable Love
RomanceYung ang layo niyo na nga sa isa't isa pero pinipilit mo paring mapalapit sakanya. Yung alam mong mahirap siya pero nagawa mo pang makipagkaibigan sakan'ya. Hindi naman sa bawal pero bakit siya pa? Yung alam mong tatlong taon ang tanda niya sayo per...