Kabanata 15

38 2 0
                                    

'Doomed'














Sa mga nakalipas na buwan ay madalang lang kaming magkita ni Lucas. Minsan ko lang siyang makita sa hacienda kasi hindi naman ako palaging naroon. Minsan ko lang rin siyang makita sa School kasi hindi naman kami mag kaklase.

Minsan nakikita ko siya sa Cafeteria pero hindi naman siya nagtatagal do'n. Hindi ko narin siya nakakasabay pag-uwi tuwing hapon kasi gabi na natatapos ang practice nila. Strikto na kasi 'yong coach nilang bago.

Si Marco nga late na laging umuuwi kaya laging nasesermunan ni Manang Josefina.
Wala namang ibang manenermon sa kaniya kasi hanggang ngayon hindi parin umuuwi sina Mama't Papa.

Pero kahit gano'n ay hindi ko nalilimutang gumawa ng love letter para kay Lucas. Alam kong sasabihin ng iba na masyadong corny ang love letter na sinusulat ko. Pero 'yon lang ang tanging magagawa ko sa ngayon para kay Lucas.

Palagi akong nag-iingat tuwing lalagyan ko ang locker niya kaya hanggang ngayon ay hindi niya parin alam kung kanino ba galing ang mga iyon. Pero baka may alam na siya at hindi lang niya sinasabi.

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na gawan siya palagi ng mga gano'n kahit marami akong naririnig na tsismis tungkol kay Lucas.

May nakakita raw kasi kay Lucas no'ng nakaraang linggo, may itinapon daw na papel sa basurahan. Nung nakaalis na daw si Lucas ay sinilip daw nung nakakita kung ano 'yon tapos pagkakita niya daw ay love letter na punit punit.

Actually, tungkol do'n ang  pinag-tsi-tsismis-an ngayon ng grupo ng mga babae sa katabi naming table. Nasa cafeteria kami ngayon nina Jayrenne at Ariel, kumakain.

"May nagbibigay raw ng love letter kay Lucas?" tanong nung isang babaeng may mahabang buhok. Ka-batch namin sila pero ni isa sa kanila ay wala kaming kilala.

"Kawawa nga 'yong nagbibigay kasi palagi lang daw na pinupunit at tinatapon ni Lucas sa basurahan kahit hindi pa nababasa," tugon naman nung isa.

"Nagsasayang lang sila ng oras. Akala mo naman talaga mapapansin sila ni Lucas kapag binigyan nila ng love letter," tumawa silang lahat.

Pero syempre, hindi ako naniwala. Hindi naman ako uto-uto para maniwala sa mga gano'ng tsismis. Tsaka, paano sila naniniwala sa mga ganyan, e hindi nga nila alam kung sino ba 'yong nakakita. Ang mga ganyang istorya ay paniguradong gawa-gawa lamang. Tsk.

"Nawalan na ako ng gana," sabi ni Jayrenne sabay bagsak ng kaniyang baso sa lamesa.

"Same. Alis na tayo dito," pag sang-ayon naman ni Ariel sa kaniya.

"H-ha?" tanong ko.

"May laro ako ngayon," sagot ni Ariel nang makatayo.

Sabay naman kaming tumayo ni Jayrenne dahil sa sinabi niya. Ngayon ko lang din naalala na Intrams nga pala ngayon.

"Sinong kalaban?" tanong ko.

"Grade 10," sagot ni Ariel.

Nang makalabas na kami ay biglang nagsalita ulit si Ariel.

"Manonood ba kayo?" tanong niya sa aming dalawa ni Jayrenne.

Umiling si Jayrenne."May laro rin ako ngayon. Hindi ako makanonood."

Bumaling ang tingin nilang dalawa sa akin.
"Pass din ako."

Kumunot ang noo ni Jayrenne habang naka-poker face naman si Ariel.

"Bakit naman? Bukas pa naman 'yong singing contest, a," nagtatakang sabi ni Jayrenne

"May pupuntahan ako," tanging paliwanag ko. Hindi ko naman kasi pwedeng sabihin sa kanila na maglalagay ulit ako ng love letter sa locker ni Lucas.

The Unstoppable Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon