'I Love You, Too'
Nagising ako dahil pakiramdam ko ay may nakatitig sa akin. Iminulat ko ang aking mga mata at unang tumambad sa akin ang braso ni Lucas na nasa bewang ko. Inangat ko ang tingin ko kay Lucas na parang kanina pa siya gising at kanina pa ako tinititigan.
"Good morning," he greeted.
"Good morning."
Hinalikan niya ako sa noo bago siya bumangon at hinila ako patayo.
"Maligo ka na. Mag luluto na ako ng tanghalian natin," he said.
Tanghalian?
Kumunot ang noo ko. "Anong oras na ba?"
Tumingin siya sa relong suot niya. "It's already 10:37 a.m."
"What? Bakit hindi mo ako ginising?"
"Ang himbing kasi ng tulog mo."
"Tapos hindi ka pa nakapagluto ng pagkain natin?" I asked in disbelief.
"Not yet. Kagigising ko lang din."
"E, bakit bagong ligo ka?" I asked as I raised my brow.
"Kakatapos ko lang palang maligo."
Pinanliitan ko siya ng mata.
"Maligo ka na, Sashe. Magluluto na ako."
"Whatever," inirapan ko siya. Nang lumabas na siya sa kwarto ay kumuha na ako ng damit na ipangpapalit ko pagkatapos maligo. Basta na lang akong kumuha ng t-shirt at boxer sa closet ni Lucas dahil wala akong dalang pambahay na damit.
Pagkatapos kong kumuha ay pumunta na ako sa kabilang kwarto kung nasa'n ang mga gamit ko. Kinuha ko ang sipilyo at undies ko sa bag. Then, naglakad na ako patungo sa bathroom.
Pumasok ako sa bathroom dala ang damit at tiwalya ni Lucas. Medyo natagalan pa ako sa pagligo dahil natulala pa ako ng ilang minuto sa loob ng banyo. Nang nakabihis at nakapagsuklay na ako ay lumabas na ako sa kwarto.
Dumiretso ako sa kitchen at naabutan ko si Lucas na nakatalikod habang nagpi-prito ng itlog. Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya sa likod.
"I love you," bigla niyang sabi.
"I love you, too." I smirked.
Ramdam kong natigilan siya kaya ngumisi lalo ako.
Mabilis niyang tinapos ang kaniyang niluluto. Inilagay niya sa pinggan ang prinitong itlog at nagulat na lamang ako ng bigla niyang inalis ang kamay ko na nakapulupot sa bewang niya. Tumaas ang kilay ko nang talikuran niya ako at dumiretso sa dining table. Walang imik niyang inayos ro'n ang mga pagkain.
Nakakunot ang noo ko nang sumunod sa kaniya.
"What's wrong? May nasabi ba akong mali?" maingat na tanong ko. Umupo siya sa kabisera at masama akong tinignan.
BINABASA MO ANG
The Unstoppable Love
RomanceYung ang layo niyo na nga sa isa't isa pero pinipilit mo paring mapalapit sakanya. Yung alam mong mahirap siya pero nagawa mo pang makipagkaibigan sakan'ya. Hindi naman sa bawal pero bakit siya pa? Yung alam mong tatlong taon ang tanda niya sayo per...